Responsive Ad

Sylvia Sanchez super proud kay Arjo na waging congressman sa QC: Iba ka manindigan anak!

Sylvia Sanchez super proud kay Arjo na waging congressman sa QC: Iba ka manindigan anak!

LABIS ang sayang nararamdaman ng aktres na si Sylvia Sanchez dahil nagbunga lahat ng pagsusumikap at pagsasakripisyo kinaharap nila noong nagdaang election campaign.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin at mensahe para sa anak na si Arjo Atayde na nagwagi at nanumpa bilang kongresista ng District 1 g Quezon City.

“Ang saya saya ng puso ng isang INA kapag nakita nya na nagtatagumpay ang Anak nya sa larangang gusto nya. Isa ako sa pinaka masayang ina sa araw ng iyong panunumpa bilang Congressman ng Distrito Uno ng lungsod ng Quezon City,” saad ni Sylvia.

Simula noong unang araw ng Hulyo ay opisyal na ngang nakaupo bilang congressman ang aktor.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jojo Campo Atayde (@sylviasanchez_a)

 

“Walang mapagsidlan ang kagalakan ko sa tagumpay mo. Pinaglaban mo ang gusto mo, ang laman ng puso’t isip mo at pinatunayan mong tama ka. Iba ka manindigan anak!!” pagpapatuloy pa ni Sylvia.

Habang pinapanood nga niya ang panunumpa ni Arjo ay tinatawanan na lamang niya anv lahat ng pagod, hirap, pangungutya ng mga tao sa kanyang anak maging sa kanilang buong pamilya.

“Bago ka daw at walang alam at artista lang at kung ano ano pang masasakit na salitang ipinukol sayo. Lahat ng yon napawi habang pinapanood kitang nanunumpa bilang Bagong Congressman ng Distrito uno. Napaka proud ko sa mga oras na yo,” sey pa ni Sylvia.

Pagpapatuloy pa niya, “Pasensya na anak, di ko maalis na manumbalik sa isipan ko na ito ang batang kinutya, pinagtawanan, nilait at hinusgahan pero wala akong nakita o narinig na pambabastos mo sa mga taong bumatikos sayo.

“Bagkus ang tanging sinabi mo lang sa akin, ‘Hayaan mo sila Mommy, wag tayong sumabay sa pambabastos nila, hindi tayo tulad nila. Basta ako andito tumakbo dahil gusto ko makatulong sa kapwa ko at mas makakatulong ako pag nasa pwesto ako. I dont want to be a good politician, I want to be a Good Public Servant’.”

Hirit pa ni Sylvia, “Sige anak, abutin mo lahat ng pangarap mo, gusto mong tumulong sa kapwa mo, gawin mo lahat yan. Ikalat mo sa Distrito Uno ang Respeto, Pagtitiwala, Pagmamahal,Pag aalaga, Pagpapahalaga at magtanim ka ng Kabutihan sa mga nasasakupan mo at naway Gabayan ka ng DIYOS.

“Dito lang kami lagi ni Daddy at ng mga kapatid mo na handang tumulong at aagapay sayo. Mahalin mo anak at alagaan mo ang mga bagong nagmahal at magmamahal pa sayo ang buong Distrito Uno. Kaka proud!!!!”

Nakiusap naman si Sylvia sa Diyos na sana ay alalayan Niya ang anak sa bagong landas na tatahakin nito.

Related Chika:
Arjo Atayde nanumpa na bilang congressman ng Quezon City

Sylvia kontra sa pagtakbo ni Arjo sa 2022: Pero iga-guide ko na lang para hindi masulsulan at maligaw

The post Sylvia Sanchez super proud kay Arjo na waging congressman sa QC: Iba ka manindigan anak! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments