Ella Cruz sa mga natutunan niya sa ‘Maid in Malacañang’: History is like tsismis
USAP-USAPAN ngayon ang aktres na si Ella Cruz matapos nitong ibahagi ang kanyang mga natutunan sa upcoming Viva film na “Maid in Malacañang”.
Sa naturang pelikula ay gaganap ang aktres bilang Irene Marcos, ikatlong anak ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Marcos.
Ngayong buwan na nga nakatakdang ipalabas ang pelikula sa direksyon ni Darryl Yap na kinunan sa mansyon ng mga Marcos sa San Juan.
Kasama ni Ella sa pelikula sina Ruffa Gutierrez, Cesar Montano, Diego Loyzaga, Christine Reyes, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo.
Ayon sa naging panayam sa kanya ng isang news site ay inalala niya kung paano itonuro ang history sa kanya noong nag-aaral pa siya at naikumpara nga ng aktres ang kasaysayan sa tsismis.
View this post on Instagram
“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history. Naro’n na yung idea, pero may mga bias talaga. As long as we are here at may kaniya-kaniyang opinion, I respect everyone’s opinion,” saad ni Ella.
Aniya, ito raw ang magkukwento kung ano naman ang side ng mga Marcos base sa “reliable source” ilang araw bago ang naganap na pagpapaalis sa kanilang pamilya noong EDSA People Power Revolution.
“Kasi struggling na eh, last three days! Kahit naman sila struggling even right now, di ba? So, paano kaya iyon na there (was) so much pressure on their side during those times?” dagdag pa niya.
Samntala, una nang ni Sen. Imee Marcos na isa itong pagtatangka ng historical revisionism noong nagdaang presscon ng upcoming Viva film.
“Sa isipan namin, for me at sa aking pamilya, panahon na para magkuwento rin kami kung anong nangyari sa Malacañang, yung nalalaman namin. Hindi natin binabago ang katotohanan. Dinadagdagan lamang ng kaalaman namin,’ saad niya.
Dagdag pa niya, “Ito ay kuwento lamang na nalalaman namin from our point of view. Wala kaming binabago sa sinasabi nila. Nilalahad lang namin yung alam namin.
“We’re not revising anything. It’s totally inaccurate to say that. We’re simply explaining in this film, to some degree, kung ano yung mga pangyayari nung huling tatlong araw.”
Related Chika:
Ella Cruz ayaw sumabak sa sexy movies ng Vivamax: Ay, ibang level yun! Nakakaloka, hindi ko kaya!
Ella Cruz may suot na proteksyon para hindi saniban ng masamang ispiritu
Ella Cruz kinawawa nu’ng high school: Yun ang pinakamagulong parte ng buhay ko
The post Ella Cruz sa mga natutunan niya sa ‘Maid in Malacañang’: History is like tsismis appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments