Responsive Ad

Tyronia Fowler: Tita Jelai hindi man lang po ba kayo magso-sorry sa akin?!

Tyronia Fowler humahagulgol sa live: Tita Jelai hindi man lang po ba kayo magso-sorry sa akin?!

HINDI na napigilan ng anak ni Toni Fowler na si Tyronia Fowler ang maging emosyonal matapos ang kaliwa’t-kanang batikos na natatanggap mula sa madlang pipol.

Sa kanyang Facebook live ngayong araw, September 1, umiiyak ang dalaga dahil maging siya ay nadadamay na sa mga batikos ng netizens patungkol sa maling ginawa ng kanyang ina noon na makipagrelasyon kay Jon Gutierrez o si King Badger kahit girlfriend na ng huli si Jelai Andres.

At matapos nga ang ilang taon ay muling nag-trending ang ina ni Tyronia matapos ungkatin ng madlang pipol ang nakaraan dahil sa “sawsawera post” nito pati na rin ang pagbabandera ng kanilang pagpa-party ni Yumi Garcia na siya namang umano’y third party kung bakit tuluyang naghiwalay sina Jelai at Jon.

Sa kanyang live, tinawag niya ang pansin ni Jelai dahil umano pati siya ay dinadamay na ng fans sa bashing.

Baka Bet Mo: Toni Fowler naiyak nang magka-period si Tyronia, OA nga ba?

“Ano pa ba ang gusto n’yo Tita Jelai? Wala na po kaming ginagawa. Ayoko po ng ganito,” saad ni Tyronia.

Pagpapatuloy niya, noon daw ay maraming tinanggihang brands si Toni bilang respeto dahil nandoon si Jelai na nasaktan niya noon nang ma-link siya kay Jon.

Kuwento pa ni Tyronia, “Everytime na name-mention ka, palagi silang sorry, palaging sorry so Mommy sa ‘yo. Sinasabi niyang past na ‘yun. Yun lang naman ang gusto kong i-clarify kasi bash na bash na po ako. Grabe naman na po kayo.”

Bukod pa rito, pinagso-sorry niya si Jelai dahil sa patuloy na pamba-bash na natatanggap niya mula sa pangyayari.

“Tina-try ko naman pong maging strong pero bakit ganyan? Tita Jelai hindi man lang po ba kayo magso-sorry sa akin? Kahit magkaroon man lang kayo ng puso para gawin ‘yun?” sey ni Tyronia.

Aniya, “Pinapalaki ako ng mommy ko nang maayos kasi ayaw niyang gawin ko ‘yung mga ginawa niya sa past niya. Kasi ayaw niyang matulad ako sa kanya. Pero bakit kailangan idamay niyo po kaming mga bata?”

Ipinagdiinan rin ni Tyronia na hindi naging kabit ang kanyang ina.

“Gusto ko lang pong sabihin Tita Jelai, hindi po si Mommy, hindi niya po sinira yung kasal niyo or kahit anong meron kayo. Never naging mistress ang mommy ko,” umiiyak na sabi ng bata.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang tila napataas ang kilay at hindi nagustuhan na tila si Jelai pa ang dapat mag-sorry sa mga pangyayari.

Sa ngayon ay wala pang pahayag sina Jelai at Toni hinggil sa pagla-live ni Tyronia.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng mga taong sangkot sa isyu.

The post Tyronia Fowler: Tita Jelai hindi man lang po ba kayo magso-sorry sa akin?! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments