Responsive Ad

Ryan Bang napaluha sa ‘Showtime’ dahil kay Yeng: Makakahanap pa kaya ako?

Ryan Bang napaluha sa 'Showtime' dahil kay Yeng: Makakahanap pa kaya ako?
Ryan Bang, Vice Ganda at Yeng Constantino

MALUHA-LUHANG naglabas ng kanyang saloobin ang TV host-comedian na si Ryan Bang nang mapag-usapan ang panonood niya sa 20th anniversary concert ni Yeng Constantino recently.

Kasamang nanood ni Vice Ganda si Ryan sa “Biyaheng Bente” anniversary concert ng Pop Rock Royalty sa Araneta Coliseum nitong nagdaang weekend. Dapat sanay si Ion Perez ang ka-date ni Vice pero na-stranded daw ito sa Quezon. 

Sa isang bahagi ng concert ay inamin ni Yeng na crush na crush niya noon si Ryan pero bigla na lang daw nang-ghost ang komedyanteng Koreano.

“’Yung kay Ryan kasi, nangyari sa amin, seen zoned niya ako. Crush na crush kita nu’n. Sa sobrang gusto ko siya, basta pumunta ka lang sa restaurant akong bahala sa ‘yo kasi crush kita, e,” rebelasyon ni Yeng.

Kung matatandaan, inamin na ni Ryan noong 2022 sa “It’s Showtime” na niligawan niya si Yeng na hurado that time sa “Tawag ng Tanghalan.”

“Akala ko ayaw mo sa ‘kin. Kasi noong panahon na ‘yon, gumigimik kami, sila James Reid. Siyempre minsan lumalabas ako tuwing gabi. Inaya ko siya ilang beses eh, tapos sabi mo…kasi inaaya ko siya tuwing gabi hindi siya lumalabas. 

“Kaya akala ko ayaw niya sa ‘kin,” kuwento ni Ryan na nagdesisyon na ngang huminto sa panliligaw kay Yeng Constantino.

Baka Bet Mo: Ryan Bang sa napurnadang kasal kay Paola: Hindi pumayag ang tadhana

Sey naman sa kanya ni Vice Ganda, “Huwag papasok sa mundo ng kahit sino na akala niyo walang nangyayari sa kanila, akala niyo walang epekto sa kanila. Kahit sino mang pumasok sa mundo natin, may epekto yun.”

Sabi pa ni Vice, kung hihinto sa panliligaw, mas magandang sabihin nang diretsahan.

Hirit naman ni Ryan Bang, “Yeng, pasensya na. Dapat pala nagpaalam ako sa ‘yo. Nagtanong ako sa ‘yo. Pero ‘yung… siyempre ‘yung nanligaw ako sa ‘yo, galing naman talaga sa puso ko ‘yun. Ikaw yung pinaka-unang crush ko sa buong buhay ko! Ikaw yun!”

Sa episode ng “It’s Showtime”  kahapon, September 2, napag-usapan nga nina Vice Ganda at Ryan ang panonood nila sa concert ni Yeng.

Dito, nagpasalamat si Ryan dahil siya ang isinama ni Vice at naging emosyonal nga habang nagsasalita, “Thank you Mommy, kasi sinama mo ‘ko sa concert ni Yeng. Na-flashback sa akin lahat.”

Aniya, isa sa best moments ng buhay niya ang nangyari. Sinabayan naman ito ng pagpapatugtog ni DJ MOD ang awiting “Salamat” ni Yeng. 

Tinanong ni Vice kung bakit naiiyak ang kanyang anak-anakan na nilapitan na siya sabay lapit na rin ang kanilang co-hosts na sina Darren Espanto at Brent Manalo sabay group hug.

Paliwanag ni Ryan, “Hindi kasi, sabi ko, makakahanap pa kaya ako… makakahanap kaya ako ng… siyempre, tulad ni Yeng na noong umpisa ako, wala akong pambayad ng date, wala ‘kong kotse, ‘di ba, wala akong pera, paulit-ulit yung damit ko, pero minahal… may chance pala ako sa kanya. Makakahanap kaya ako ng ganu’n?”

Payo ni Vice sa kanya, “Hindi ka makakahanap, ikaw ang hahanapin ng pag-ibig. Kaya hindi mo kailangang maghanap. Love will find you. Just wait. We just wait.”

“Don’t cry, as I told you, so many people appreciate and value you. We see you. Nakikita namin ang kagandahan ng puso mo at ang kapogian ng panlabas mong kaanyuan. Lalo na ngayon ang pogi-pogi mo,” sey pa ni Vice kay Ryan.

Sa ngayon, super happy na si Yeng sa piling ng kanyang mister na si Yan Asuncion habang si Ryan ay single uli matapos hindi matuloy ang kasal nila ng ex-fiancée na si Paola Huyong.

The post Ryan Bang napaluha sa ‘Showtime’ dahil kay Yeng: Makakahanap pa kaya ako? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments