ABS-CBN ‘struggle’ pa rin; GMA, TV5 tuloy ang laban sa industriya –Tarot reader

ISA pa sa tinanong ni Romel Chika sa Tarot Reader na si Mami Gloria Escoto ang tatlong malalaking network na ABS-CBN, TV5, at GMA 7.
“Ang ABS-CBN mukhang struggle pa rin ito (habang binubuklat ang baraha). Negative sa pagbabalik, eh.
“Ang GMA 7, ito kahit papaano ay lumalaban pa rin, may inilalaban (at) may pag-asa.
“Sa TV5 kahit papaano parang katulad din lang ng GMA 7 lumalaban, inilalaban, so kahit may abono o pinanghihinaan ng loob inilalaban pa rin.
Baka Bet Mo: ABS-CBN, GMA ipinatawag ng MTRCB sa racist joke, lugaw nina Ion-Vice
“Dito sa network na ito maaring itong (sabay turo sa baraha) dalawa ang matira, ang TV5 at ang GMA,” esplika ni Mamu.
Tinanong ni Romel Chika kung kumusta ang mga artista o exclusive contract ng ABS-CBN.
“Ang mga artista naman ay parang hindi na rin umaasa at kung mabigyan sila ng pagkakataong lumipat o makalipat ay mangyayari naman ‘yun hindi naman sila mawawala sa sirkulasyon, e, siguro tatanggapin naman sila nitong dalawa (TV5 at GMA 7),” sambit ng tarot reader.
Nabanggit ding maraming projects ang GMA dahil inilalaban at marami silang artista, at isa sa mga artista ay magdadala ng swerte at dito sa cards ay lalaki ang tinukoy, ayon kay Mamu Gloria.
Sa TV5 ay may magandang mangyayari base sa cards na naka-reverse, kung hindi man sa artista ay kung ano ang pinapanood doon (shows) sila babawi.
Sey ni Romel Chika, “At least maganda marami tayong mga kasamahang artista may mga bahay (network) pa silang pupuntahan at magaganap. ‘Yan po ang ABS-CBN, GMA at TV5.”
The post ABS-CBN ‘struggle’ pa rin; GMA, TV5 tuloy ang laban sa industriya –Tarot reader appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments