Kim Chiu bawal daw biruin tungkol sa buntis issue; balak mag-vacation leave

BAKIT hindi binibiro si Kim Chiu ng “It’s Showtime” hosts tungkol sa buntis issue?
Ilang linggo nang pinag-uusapang buntis ang TV host-actress pero hindi ito nata-tackle sa pang tanghaling programa ng Kapamilya channel.
Base rin kasi sa pagkakakilala ng netizens sa hosts ng “It’s Showtime,” lalo na si Vice Ganda na kapag may mga isyu sa kanila ay idinadaan nila ito sa biro para pag-usapan o ginagawang running joke, pero sa tsikang buntis si Kimmy ay tila tikom lahat ang bibig ng mga hosts ng programa.
Kapansin-pansin na talaga ang outfit of the day o OOTD ni Kim sa programa na laging loose at may takip sa kanyang tummy para takpan ito bagay na malaking pagbabago dahil kilala ang dalaga na mahilig itong magsuot ng fit na hapit sa katawan niya.
Baka Bet Mo: Kim Chiu sa ex: Hindi kita pinagsisihan, pero hindi na kita babalikan
Tsika ng “Showbiz Update” hosts na sina Ogie Diaz, Dyosa Pockoh. at Mama Loi.
“Tinututukan na ng mga tao ito at wala pa rin tayong nakukuhang kumpirmasyon mula sa kampo ni Kim Chiu, araw-araw na lang (pansin ng netizens) na balot na balot daw lagi si Kim Chiu sa It’s Showtime dati kasi nagpapa-sexy,” kaswal na komento ni Ogie.
Dagdag pa, “Ipinapalagay na ng Kim Chiu fans na sana raw preggy na si Kim at sana raw totoo kasi nga naman wala pang direktang pag-amin mula sa dalawa (Kim at Paulo Avelino).”
Ipinakita ang mga komento ng netizens na kung sakaling buntis nga si Kimmy ay masaya sila for her.
Hirit ni Dyosa Pockoh na kaya walang nagbubukas ng topic na buntis si Kim sa “It’s Showtime” ay baka may pinirmahang NDA o non-disclosure agreement.
“Na kahit sinong hosts ay walang magbibiro kay Kim tungkol sa buntis na isyu,” diin ni Dyosa Pockoh.
Opinyon ni Ogie, “Hindi ako sanay na hindi nila sinasakyan yung mga biro o comments ng netizens.”
Halimbawa ni Mama Loi, “Tulad ng kay Juliana Gomez may kumalat na blind item na siya ang itinuturong buntis at bilang patunay (naglabas) ng resibo nagi-gym, very active, ‘di ba?”
Oo nga bakit nga ba kasi walang pag-amin o denial mula kay Kim tulad ng nasulat namin dito sa BANDERA kamakailan na galing mismo sa taga-Showtime na hindi sila makapagbigay ng sagot din dahil wala rin namang binabanggit sa kanila ang dalaga at hindi rin naman sila nagtatanong dahil personal ito at labas sa trabaho nito bilang isa sa hosts.
Samantala, nagbigay ng opinyon si Ogie bilang manager na baka kaya hindi nagsasalita si Kimmy ay dahil baka may morality clause ang kontrata nito.
“Bilang manager tulad nu’ng kay Liza (Soberano) na laging may morality clause sa contract sa brand endorsements na hindi siya pwedeng magbuntis within the live contract (active real -time agreement), (bawal magbuntis) out of wedlock may mga ganyan ‘yung iba. Kasi kung pipirmahan mo ‘yun nag-agree ka at may penalty ‘yun pag hindi ito nasunod hindi ko lang alam kung magkano yung penalty or ibabalik mo ‘yung ibinayad sa iyo ng brand. Ganyan ang (kontrata) sa mga wholesome brand.
“Maliban na lang daw na hindi mo pinirmahan ang mga may ganitong clause at ilalaban mo ito sa brand na hindi ka sang-ayon sa ganitong clause na ibig sabihin ay meeting of the minds pa rin at kung payag ang brands na okay lang sa kanila na magbuntis (endorser).
“Pero kasi may mga brands talaga na ayaw nilang magbuntis ang endorser nila kasi nga may (pinangangalagaang) wholesome image lalo na hindi pa sila umaamin ni Paulo, may naka-stipulate rin sa contract na bawal ka masangkot sa public scandal.”
Kaya sey ng talent manager na ito ang mga bagay na nakikita niya kaya hindi umaamin si Kim Chiu kung buntis siya o hindi.
Anyway, may isa pang nalaman sina Ogie na may planong mag vacation leave si Kimmy isa sa mga araw na ito at ayaw nilang isipin na baka nga nasa interesting stage na ito ay gusto nitong magpahinga muna.
Iba rin naman ang naisip nina mama Loi at Dyosa Pockoh na baka may kinalaman naman ito sa kasong isinampa ng TV host-actress sa Ate nitong si Lakambini Chiu, na gusto nitong ipahinga ang sarili dahil baka stress ito sa kasalukuyan.
Dahil isa sa mga araw na ito ay may hearing na si Kim at magte-testify siya sa kasong 124 counts of qualified theft na isinampa niya kay ate Lakam niya.
Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Kim Chiu o ng kampo niya tungkol sa isyung buntis siya.
The post Kim Chiu bawal daw biruin tungkol sa buntis issue; balak mag-vacation leave appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments