Josh Ford ibinandera ‘magical’ Hong Kong trip kasama si Kira Balinger

NAGKUWENTO ang Kapuso actor na si Josh Ford hinggil sa kanilang recent trip ng Kapamilya actress na si Kira Balinger sa Hongkong.
Sa naging panayam sa kanila sa Previes Ball nitong Huwebes, September 10, inilarawa niya ang kanilang bakasoyon na “amazing” at “magical”.
“It was one of the things that we talked about while inside the [Pinoy Big Brother] house, and it actually came true,” lahad ni Josh.
Kasama rin nila sa kanilang Hong Kong trip ang handler, co-manager, at dalawang miyembro ng kanyang pamilya.
Baka Bet Mo: Ex-PBB housemate Josh Ford sumailalim sa 5 klase ng surgery
“It was magical, but of course I have to be secretive about some of the things that happened,” masayang kuwento pa ni Josh.
Limang araw silang nanatili roon at sapat na ito para malibot ang Hong Kong.
Nagbabahagi sina Josh at Kira ng mga larawan mula sa kanilang biyahe sa social media, kabilang na ang pagbisita nila sa Tian Tan Buddha statue sa Lantau Island.
Ngayong linggo lamang, binigyan ng magkapareha ng masaya at whimsical na pagtitipon ang kanilang mga KiSh fans na tinawag na “When The Stars Align: A Celestial Meeting.”
Sina Kira at Josh, na mas kilala bilang KiSh, ay kabilang sa maraming fan ships na nabuo sa unang season ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”
The post Josh Ford ibinandera ‘magical’ Hong Kong trip kasama si Kira Balinger appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments