Responsive Ad

Kristine Hermosa handang hiwalayan si Oyo Boy Sotto kapag…

Kristine Hermosa handang hiwalayan si Oyo Boy Sotto kapag...

ALIW ang naging sagot ng dating aktres na si Kristine Hermosa sa magiging dahilan sakaling hiwalayan niya ang asawang si Oyo Boy Sotto.

Sa kanyang naging panayam sa mother-in-law na si Dina Bonnevie na mapapanood sa kanilang “House of D” vlog, natanong ang kanyang deal breaker o maaring maging dahilan para hiwalayan ang asawa.

“What would make you leave Oyo, Tin?” tanong ni Dina kay Kristine.

Nagbiro muna ang dating aktres na siyang ikinatawa ng mga kasama.

Baka Bet Mo: Kristine Hermosa ibinuking tunay na ugali ni Dina Bonnevie

“Pag naging bakla siya, hindi joke lang,” pabirong sabi ni Kristine.

Pagseseryoso niya, “Syempre infidelity… tsaka yun na nga, pag iba na preference, anong gagawin ko sa kanya?”

Natanong naman ni Dina si Kristine kung sa tingin niya, magiging isyu ng hiwalayan nila ang pera.

Usisa ni Dina, “Do you think magiging reason money? Kunyari wala na masyadong income?”

“Hindi Ma, kasi alam kong kaya niyang magtrabaho at magtatrabaho din naman ako,” diretsahang sagot ni Kristine.

Marami namang netizens ang humanga sa humble perspective ng dating aktres dahil sa tibay ng pundasyon ng pagmamahalan nila ni Oyo.

The post Kristine Hermosa handang hiwalayan si Oyo Boy Sotto kapag… appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments