Ian De Leon malaki-laki ang nakuhang mana; Lotlot, Matet nag-move on na –Tarot reader

“DITO sa lalaki ito naman ay masaya (kasi) maraming pera, eh, ayan oh, nine of Nine of Pentacles (financial independence/luxury and comfort) Nine of Cups nakabaligtad, so, meaning maraming pera,” ito ang nabasang baraha ng Tarot reader na si Mamu Gloria Escoto tungkol sa aktor na si Ian De Leon.
Pinabasa ni Romel Chika kay Mamu kung kumusta na ang magkakapatid na Lotlot, Matet, at Ian na mapapanood sa vlog ng kilalang stand-up comedian at co-host ni Nanay Cristy Fermin sa “Cristy Ferminute” at “Showbiz Now Na.”
Kung si Ian ay masaya dahil maraming pera ay iba naman ang nabasa ni Mamu kina Lotlot at Matet.
Aniya, “Dito sa cards, kay Lotlot wala na, eh, may sakit ng kalooban na nararamdaman, kay Matet dito sa baraha niya wala na rin. Alam mo ‘yung pinatawad na lang niya lahat tapos nag-move on siya sa sarili niya.”
Baka Bet Mo: Ian de Leon nagpasalamat kay Matet: God bless us and our family!
Hindi aware ang tinaguriang prophetic witch na may alitan sina Lotlot, Matet, at Ian.
“Anong (nangyayari) may problema ba silang magkakapatid?” tanong ni Mamu kay Romel Chika.
“Sinasabi kasi na si Ian na nga raw ‘yung nabigyan ng mana (bilang biological son ni Nora Aunor), meron bang mana?”
Muling nagbukas ng baraha si Mamu, “Meron, ayan (nine of pentacles) may pera.”
Maraming ari-arian o property na naiwan ang Superstar,” meron hindi naman ganu’n malaking-malaki pero masasabi nating malaki at sa kanya (Ian) lahat.”
Muling inulit na wala nang pakialamanan sina Lotlot at Matet kay Ian dahil naka-focus na sila sa kani-kanilang buhay.
“Magkakasundo kaya ulit ang magkakapatid,” tanong ni Romel Chika.
“Magkakaaway ba sila? Dito sa baraha hindi na, eh, kung baga sa libro sinarado na,” kaswal na sagot ni Mamu.
“Kalungkot pero gayun pa man ‘yan po ang basa ni Mamu,” saad ni Romel Chika.
The post Ian De Leon malaki-laki ang nakuhang mana; Lotlot, Matet nag-move on na –Tarot reader appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments