Bongbong Marcos nagpugay sa 109th b-day ng ama: ‘Whom I learnt the most!’

GINUNITA ni Pangulong Bongbong Marcos ang kaarawan ng kanyang yumaong ama at kapangalan na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ngayong Biyernes, September 11.
Kung nabubuhay pa, 109 taong gulang na sana ngayong araw si Marcos Sr., na isinilang noong Setyembre 11, 1917.
Sa Facebook, nagbalik-tanaw ang pangulo sa kanyang ama at sa mga aral na iniwan nito sa kanya.
“Remembering my father on his birthday,” bungad niya sa post.
Baka Bet Mo: PBBM nanindigan sa kaso laban kay Romualdez: ‘Kailangan nating gawin ang tama!’
“My father from whom I learnt the most important lessons of life,” wika pa niya.
Ayon pa kay Pangulong Bongbong, kabilang sa pinakamahalagang itinuro sa kanya ng kanyang ama ang pagpapahalaga sa tungkulin, karangalan, at bayan.
“To live for others and not oneself. Happy Birthday Dad,” aniya.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FBongbongMarcos%2Fposts%2Fpfbid0253yo2HBSvjHKCHSDWcXNboSBfMjaD2U8J3zXKVNV4dYBokkTvwvGxcZX4ZUzKpLkl&show_text=true&width=500" width="500" height="640" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Samantala, idineklara ni Pangulong Bongbong na special non-working holiday ang September 11 sa Ilocos Norte bilang paggunita sa ika-109 birth anniversary ng kanyang ama.
Inaasahang pangungunahan mismo ng Chief Executive ang mga aktibidad para sa selebrasyon ng kaarawan ni Marcos Sr. sa kanyang hometown sa Ilocos Norte.
The post Bongbong Marcos nagpugay sa 109th b-day ng ama: ‘Whom I learnt the most!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments