Responsive Ad

Vince Maristela naglakad, nakisakay sa fire truck dahil sa baha, trapik

Vince Maristela naglakad, nakisakay sa fire truck dahil sa baha, trapik
Vince Maristela

MAS pinili rin ng Kapuso hunk actor at host na si Vince Maristela na maglakad kesa maipit sa matinding trapik dulot ng pag-ulan at pagbaha sa Metro Manila.

Nagdesisyon ang binata na sumabak sa mahaba-habang lakaran sa kalsada habang umuulan nitong nagdaang araw upang maiwasang ma-stranded sa baha at malalang trapik.

Sa video ng dating “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” housemate, makikita si Vince na nakapayong at in-enjoy na lamang ang paglalakad makarating lamang sa kanyang patutunguhan.

Baka Bet Mo: Michael Flores binatikos LGUs sa late na pag-suspend ng klase: PALPAK!

Ayon sa Kapuso Sparkle actor, mas mabilis daw siyang makakarating sa kanyang destinasyon kapag naglakad kesa nakasakay sa kotse dahil sa matinding trapik sa Marcos Highway.

In fairness, marami namang nakasabay na mga commuter ang binata sa paglalakad sa gitna ng ulan. 

Kitang-kita rin ang mga sasakyan na hindi na umuusad sa lansangan dahil sa pagbaha dulot ng walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Sa isang bahagi ng video, mapapanood din ang pagsakay ng aktor sa isang fire truck sa isang subdivision sa Rizal na nagbibigay ng libreng sakay sa mga na-stranded sa baha at trapik.

The post Vince Maristela naglakad, nakisakay sa fire truck dahil sa baha, trapik appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments