Responsive Ad

Talak ni Vice Ganda: Daming honor students pero parang aanga-anga kapag kinausap

Talak ni Vice Ganda: Daming honor students pero parang aanga-anga kapag kinausap'

NAGLABAS ng pahayag ang Unkabogable Star na si Vice Ganda hinggil sa kanyang nagiging obserbasyon sa ilang honor students sa panahon ngayon.

Sa nagdaang episode ng noontime program na “It’s Showtime”, isang “Ms. Q & A” contestant ang naging bukas sa rason ng kanyang paghinto sa pag-aaral.

Chika niya kina Vice, isang malaking dahilan ang pagkakaroon ng problemang pinasyal kaya nagsakripisyo na siyang huminto at magtrabaho na lang.

Ngunit sa kabila nito ay plano pa rin ng contestant na bumalik sa pag-aaral.

Baka Bet Mo: Vice Ganda Queen of All Networks, nakipag-collab sa MediaQuest ni MVP

“Kaya gusto ko rin pong makapagtapos ng pag-aaral kasi ayaw ko pong sinisino-sino lang po ako. Kasi ‘pag di ka po nakapag-aral mamaliitin ka ng ibang tao,” sabi pa contestant.

Kuwento pa niya kina Vice, na-inspire raw siya sa mga kaibigan na lahat ay graduate na at ganap na transwoman.

Nag-react naman si Vice sa mga ibinahagi ng contestant hinggil sa pag-aaral at sinabing hindi dapat iasa o magmula sa iba ang motivation para maka-graduate.

“Kasi puwede kang makapag-aral tapos gusto mong makatapos. May diploma ka. Hindi ka nila sisinuhin, pero wala ka talagang natutunan,” talak ng TV host-comedian.

Lahad pa ni Vice, marami siyang napapansin na mga nagtapos ngayon na magaling academically at may honors pero parang walang alam kapag kinausap mo.

“Aminin n’yo ang daming graduates ngayon na parang walang alam.

“Ang daming honor students pero parang aanga-anga kapag kinausap mo,” sabi pa ni Vice.

The post Talak ni Vice Ganda: Daming honor students pero parang aanga-anga kapag kinausap appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments