Palasyo dismayado sa ilang TUPAD beneficiaries na pinepeke paglilinis

HINDI mapigilan ng gobyerno ang makaramdam ng pagkadismaya sa ilang mga benepisyaryo ng government emergency employment program na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Marami raw kasi sa mga ito ang umano’y nagpapakuha lamang ng picture at video habang naglilinis kunyari sa halip na talagang ginagawa ang kanilang trabaho
Nitong Huwebes, August 13, nagsalita si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro tungkol sa mga ulat kaugnay ng umano’y pekeng cleanup photos at videos na kinasasangkutan ng ilang benepisyaryo ng TUPAD.
Baka Bet Mo: Pax Silica kokonsumo ng 65-90 million liters ng tubig kada-araw
Nanghihinayang nga ang Palasyo lalo na’t ang mga kasali sa TUPAD ay binibigyan ng pansamantalang trabaho upang makatulong sa mga pangangailangan ng bansa gaya ng paglilinis ng basura at pag-aalis ng bara sa mga kanal.
“Ito ay isang example lamang po. Yung mga hina-hire para sa TUPAD, sila ay in-engage para maglinis. Pero nakita po natin na ito ay nag-viral na yung iba ay magpapa-picture lang—kunwari may basurang winalis, pero after that ay aalis na rin,” saad ni Castro.
Mayroon pa raw ay sila ang nagtatambak sa isang lugar ng mga basura para magmukhang may isinasagawang cleanup operation.
“Minsan sila pa ang nagtatambak ng basura para ipakitang may basura sa lugar. Wawalisin nila and then after that, nandoon lang,” sabi pa ni Castro.
Giit niya, hindi lang nagtatapos sa pagpapakuha ng litrato o video bilag patunay ang TUPAD dahil may kaagapay itong malaking responsibilidad.
“Ang gobyerno ay binibigay po ang lahat, kayo po ay hina-hire para kahit papano ay meron kayong mapagkakitaan. Pero gawin niyo po ang inyong obligasyon dahil hindi po naman kayo hina-hire at binabayaran para gumawa lang ng fake videos,” banat pa ni Castro.
The post Palasyo dismayado sa ilang TUPAD beneficiaries na pinepeke paglilinis appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments