Responsive Ad

Interview ni Jeremiah Rosales kay Julius Babao bakit inalis sa YouTube?

Interview ni Jeremiah Rosales kay Julius Babao bakit inalis sa YouTube?

WALA na sa “Unplugged” YouTube channel ni Julius Babao ang panayam niya sa nakababatang kapatid ni Jericho Rosales na si Jeremiah Rosales kahapon ng hapon, August 8.

Maraming nagtanong din sa amin pagkatapos mabasa ang sinulat namin dito sa BANDERA na gusto nilang mapanood ang video ni Jeremiah dahil humanga raw sila sa pagiging humble nito na inaming naranasan nitong magtrabaho bilang construction worker.

At dahil sa hirap na naranasan niya ay ito ang nagpabago ng kanyang pananaw sa buhay na magbabago na siya at prayoridad na nito ang pamilya niya at magtatrabaho na siya at iiwas na siya sa anumang bisyo.

Ang ganda ng panayam ni Julius kay Jeremiah dahil gustung-gusto na nitong magtrabaho at para mapansin na rin siya ng ibang producers na masama sa mga projects kahit na anong role.

Baka Bet Mo: Jeremiah Rosales nag-construction worker sa Bicol, hindi pinabayaan ni Echo

Sadyang na-interview ni Julius si Jeremiah para kumustahin at mapanood ito ni Coco Martin dahil lahat ng na-interview sa “Unplugged” ay nagkakaroon ng trabaho.

Sa panayam nga ni Julius kay Coco noon ay sinabihan siya ng bida ng “Sigabo” na ang una ang kanyang talent scout at regular niyang pinapanood ang vlog ni Papu.

Going back sa video interview sa “Unplugged” ay nagtanong kami sa partner ni Jeremiah na si Jhen Go at hindi kami sinagot pa hanggang matapos naming isulat ang balitang ito.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Julius Babao tungkol sa pagkawala ng panayam niya kay Jeremiah sa kanyang “Unplugged” vlog.

The post Interview ni Jeremiah Rosales kay Julius Babao bakit inalis sa YouTube? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments