Responsive Ad

Kitty Duterte love na love ni Claudine Barretto: My pretty little baby sister!

Kitty Duterte love na love ni Claudine Barretto: My pretty little baby sister!
Claudine Barretto at Kitty Duterte

MIXED ang reactions ng mga netizen sa ibinanderang litrato ni Claudine Barretto sa social media kasama ang bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Kitty Duterte.

May mga natuwa sa photo ng dalawa na magkasama pero marami rin ang nambengga at kung anu-anong masasakit at maaanghang na salita ang ibinato sa award-winning actress.

Ipinost ni Claudine sa kanyang Instagram at Facebook ang short video kung saan makikita nga ang litrato nila ni Kitty kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.

May isang kuha si Claudine kung saan makikitang nakayakap pa siya kay Kitty. Sa caption, tinawag ng aktres ang anak ni Duterte na “baby sister.” 

“With my pretty little baby sister @veronicaduterte thank u for dinner my love,” ang mababasa sa caption ng kanyang post.

Narito ang samu’t saring reaksiyon ng mga netizen sa litrato nina Kitty at Claudine.

” Bagay kay clau maging bilang Vp sara duterte kung nagkataon gaganap man sya.”

“Galit na naman mga bobo nito!”

Baka Bet Mo: Kitty Duterte, Vic Singson naglaplapan sa Bora, nagpalitan ng ‘I love you’

“Wow idol mabait po ang mga duterte idol lucky u dhl na meet u c Kitty Duterte Unofficial  ang bait ng mga anak ni tatay digong.”

“Loyal duterte talaga yan same sila ni gretchen.”

“Welcome to Davao Dzai Claudine.”

“yuck. super disappointing.”

“Yuck DDS.”

“Thank you Claudine Barretto for visiting Mindanao Davao and Samal Island come back soon.”

The post Kitty Duterte love na love ni Claudine Barretto: My pretty little baby sister! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments