Vince Dizon sa mga galit na galit sa DPWH: Murahin n’yo kami, OK lang

HINDI galit at walang problema kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon kung pagmumurahin man sila ng publiko.
Sa katunayan, welcome at hinihikayat pa ni Dizon ang sambayanang Pilipino na murahin ang pinamumunuan niyang ahensiya na sangkot sa malawakang korapsyon.
Sa isang panayam, nabanggit ng kalihim na palaging natatanong sa kanya sa mga interview kung ayos lang sa kanya na galit na galit pa rin ang madlang pipol sa DPWH dahil sa matinding pasakit na dulot ng matinding pagbaha sa Pilipinas.
“Murahin n’yo kami sa YouTube, okay lang. Ang importante ho, naririnig namin ang hinaing ninyo. At naririnig po ng pangulo ‘yon,” ang sabi ni Sec. Dizon sa naturang panayam.
Aniya pa, “Alam n’yo, paulit-ulit hong natatanong ako. ‘Okay lang ba na nagagalit ang taumbayan sa DPWH. Sabi ko, okay lang. E, dapat naman talagang magalit, e.”
Isa raw sa dapat ikagalit nang bonggang-bongga ng taumbayan ay ang pagkawasak ng strawberry farm sa Benguet dahil sa malawakang pagbaha sa kabila ng mga ipinatupad na flood control project sa lugar.
Baka Bet Mo: Vince Dizon nagpaliwanag, problema sa baha walang ‘overnight solution’
Matatandaang personal ding binisita ni Sec. Dizon kasama si Cabinet Sec. Benhur Abalos ang Paombong at Hagonoy noong Sabado para tingnan ang sitwasyon ng napakatagal nang problema ng baha sa Bulacan.
Ito’y base na rin sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na gawing prayoridad ang pagsasaayos at pagkumpuni ng mga palpak at walang kwentang flood control project sa Bulacan.
The post Vince Dizon sa mga galit na galit sa DPWH: Murahin n’yo kami, OK lang appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments