Vice Ganda binengga mga nagbebenta ng boto sa halagang P5,000

MATAPANG na pinatutsadahan ni Unkabogable Star Vice Ganda ang mga Pilipinong nagbenta ng kanilang boto noong nagdaang eleksyon.
Naglabas ng saloobin ang TV host-comedian tungkol sa nangyayaring matinding pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit-probinsya na patuloy na nagpapahirap sa mga Pilipino.
Kaya naman muli niyang pinaalalahanan ang madlang pipol sa kahalagahan ng matalinong pagboto tuwing sasapit ang halalan.
Sa nakaraang episode ng “It’s Showtime,” napag-usapan ang pinagdaanang hirap at pasakit ng mga kababayan natin, lalo na ng mga commuter nitong mga nagdaang araw dahil sa malawakang pagbaha dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan.
Hirit ni Vice, “Bumoto tayo nang maayos. Bumoto tayo nang tama.”
“Alam ninyo, yung mga binabaha, di ba? Marami diyang binaha na kaya kayo binaha kasi yung tuyong bahay ninyo binenta ninyo ng P5,000 nu’ng eleksyon. Di ba?
“Sa P5,000, pumayag kayong pasukin ang bahay ninyo (ng baha). No Filipino deserves that, yung masalanta ng bagyo,” saad ng komedyante.
Baka Bet Mo: Vice Ganda nagpakatotoo: Lahat naman tayo matitigok in the future, di ba?
Isa si Vice Ganda sa mga kilalang celebrities na lantarang nagpapahayag ng galit at pagkadismaya sa malawakang korapsyon sa pamahalaan, lalo na sa mga maanomalyang flood control projects.
Sumama pa siya sa mga anti-corruption rally kung saan ipinagsigawan niya ang kanyang galit sa mga magnanakaw na opisyal sa pamahalaan.
The post Vice Ganda binengga mga nagbebenta ng boto sa halagang P5,000 appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments