Marian Rivera, Dingdong may ‘point system’ para sa paggastos nina Zia, Sixto

ABOT-LANGIT ang kaligayahan at pasasalamat ni Marian Rivera na nabigyan uli sila ni Dingdong Dantes na makapagbakasyon kasama ang dalawa nilang anak.
Nag-celebrate ng 42nd birthday si Marian last August 12 at nakasama nga niya ang kanyang asawang si Dong at mga anak na sina Zia at Sixto Dantes sa ilang araw na vacation trip recently.
“Actually, kakauwi ko lang last Sunday. Nagkaroon kami ng bonding ng pamilya ko. Nagkaroon kami ng chance na mag get-together kaming apat.
“So very happy ako sa aming vacation. Parang kumbaga bonding time with the kids,” ang kuwento ni Yanyan sa panayam ng media sa isang event.
Natanong din ang aktres tungkol sa pag-handle ng kanilang finances lalo na ngayong lumalaki na ang kanyang mga anak.
“Bilang nanay siyempre nu’ng una single ako, iba yung priority ko, naging may asawa ako, nagkaanak ako. Ngayon parang iniisip mo hindi na lang sa sarili mo eh, iisipin mo ano bang future ang puwede ko gawin para sa mga anak ko?
Baka Bet Mo: Dingdong Dantes sa pagsabak sa politika: It’s something that I don’t want
“Nag-e-evolve din talaga, nagbabago. Kumbaga, intentional na yun iniisip ko for financial. Dati sarili ko lang, ipon ako, shop ako. Ngayon, hindi na. Iniisip ko, ano bang makakatulong para sa mga anak ko para maging maganda ang future nila,” lahad ni Marian.
Sa ngayon, hindi pa raw nila kinakausap ni Dingdong sina Zia, 10, at Sixto, 7, tungkol sa tama at responsableng paghawak at paggastos ng pera.
“Parang never namin napag-usapan ng asawa ko yan. Kasi sa age ni Zia at Sixto ngayon, hindi pa namin sila pinapahawak ng pera. So ang ginagawa namin is ini-earn nila.
“Kapag may gusto sila, may kailangan silang gawin something na inuutos namin na clean your room, wash ganito tapos may points sila para mabili yung mga gusto nila.
“So du’n siguro nagsisimula yun. Kasi pag may disiplina ka, kaakibat yun at sunud-sunod na yun. Siguro pag si Zia, ano siya ngayon mag-i-11 years old, siguro by 13.
“Pero hindi ibig sabihin na bibigyan mo ng pera. Pero siguro maganda rin na sa ganung age na naiintindihan na niya kung ano yung value,” ani Marian.
Nais ng Kapuso star na matutunan din ng kanyang mga anak kung ano yung paniniwala niya pagdating sa pag-handle ng finances.
“Lumaki kasi ako na nasa lola ako. Na ang bawat kinikita ko after college ko ay mahalaga sa akin, pinapahalagahan ko. So yun ang gusto kong ma-implement sa anak ko, na ang kinikita mo ay kailangan inaalagaan mo.
“Ganu’n yung gusto ko mangyari sa mga anak ko na, ay trust muna. Kailangan malaman nila paano unti-unting gastusin, ipunin. Ano bang mahalaga? Kasi ako sa punto ko sa buhay ko ngayon, parang iniisip ko ang dati bibili ako kung anong gusto ko.
“Pero ngayon nag-iba na. Ang iniisip ko ngayon intentional na. Kung paano namin mapapalago, paano namin masusuportahan yung future ng mga anak namin. Yun kasi ang mahalaga. So siguro gradual siya.
“Magandang maturuan natin yung mga anak natin kung paano pahalagahan ang pera. Kasi ako very vocal ako sa mga anak ako eh. Pag may binibili ako sa kanila, alam nila kung saan nanggaling yun.
“Pinagtrabahuan ko, pinag-igihan ko kaya ko nakuha yun. So gusto ko ganu’n din sila paglaki nila. May gusto ka? Pagtrabahuan mo para pag nasa ‘yo, pahahalagahan mo,” sey ni Marian.
The post Marian Rivera, Dingdong may ‘point system’ para sa paggastos nina Zia, Sixto appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments