Responsive Ad

Dina Bonnevie sa breakup nila ni Vic: Saan ako mali? Pangit ba ‘ko? Tanga ba ‘ko?

Dina Bonnevie sa breakup nila ni Vic: Saan ako mali? Pangit ba 'ko? Tanga ba 'ko?
Dina Bonnevie at Vic Sotto (Photos from Facebook)

BINALIKAN ng award-winning actress at host na si Dina Bonnevie ang matinding pagsubok na pinagdaanan niya noong maghiwalay sila ng ex-husband na si Vic Sotto.

Sa pamamagitan ng bagong vlog entry sa kanyang YouTube channel, sinariwa ni Ms. D ang naging healing journey niya matapos ang pagwawakas ng kasal nila ni Bossing.

Walang binanggit na pangalan ang aktres sa kanyang vlog ngunit halos lahat ng nakapanood nito ay nagsabing ang married life nila noon ni Vic ang kanyang tinutukoy. 

Ikinasal sila noong 1982 at biniyayaan ng dalawang anak, sina Danica at Oyo Sotto at naghiwalay noong 1986.

“I’ve been through a lot of rejections, ayan, kapag sa love life, ayan…yung talagang mga masasakit na heartbreak na kulang na lang gusto mo nang tumalon sa bintana,” simulang pagbabalik-tanaw ni Dina.

Tanong ng aktres sa kanyang followers, kailan ba dapat mag-let go sa isang relasyon? “In my experience, masakit man sabihin, pero when I decided na, ‘No, I’m not going to take this sitting down. Ayoko na. Aalis na ako, maghihiwalay na kami,’ kasi, kumbaga, ilang beses mo nang tinray, tinray, tinray pero wala talaga.

“It was painful, it was a big blow on me. Tapos, siyempre, yung self-confidence ko parang, ‘Saan ako mali? Pangit ba ako? Tanga ba ako? Hindi ba ako maganda? Hindi ba ako masarap magluto? Bakit?’

“But then, dahil din doon mas nagiging matatag ako, naging stronger person ako, naging mapagpursige ako,” pagbabahagi pa ni Dina.

Baka Bet Mo: Vic Sotto may siniguro sa political career ni Vico: The age is not right yet

Kasunod ng breakup nila ni Bossing Vic, mas natuto raw siyang magdasal at kumapit sa kanyang faith, “Aside from depending on myself, I learned to count on God. Para bang, ‘God, you know the design for my life. You know what you have planned for me…’

“Parang I’m not going to stop there. Di porke’t single parent ako, meron akong dalawang maliliit na bata, e, parang this is the end of me. No, tuloy pa rin ako,” aniya pa.

Sey pa ni Dina, kung hindi raw siya naging matatag at matapang nu’ng mga panayong yun, ay baka wala na raw nangyari sa kanyang life.

“Pero nag-decide akong magpursige, anong meron ako; anong mga talents and skills ko; anong mga pwede kong gawin na mapabuti yung buhay ko, na hindi ako mapariwara.

“Kasi, some people who go through stuff life that or na-reject, kunwari hiniwalayan ng asawa… naglalasing… parang napariwara na rin yung buhay.

“Pero, ako, parang I decided na, ‘No. Di ko gagawin iyon. So, nag-bloom naman yung career ko,” saad ng aktres.

Paalala pa niya sa mga taong nakaka-relate sa pinagdaanan niya, “It eats up on our self-confidence. We think we’re not good enough. But a rejection does not define you. It’s an event. It happened. You were rejected.

“For me, the best thing to do is accept you are rejected. It’s an event. It doesn’t define me. It doesn’t mean to say I’m not good enough. Iba lang siguro ang hinahanap niya. Hindi ako,” ang punto pa ni Dina.

Ang naging motivation daw niya that time, “Maybe I’m cut out for something better, or a different line, and not this one.

“Kasi, sometimes, di ba, you keep trying and trying and keep trying… bakit hindi mag-open ang door na ito, Lord? Open this door for me. Kasi that’s not the one.

“Kaya kailangan maging sensitive tayo to have that discernment to hear God’s voice: ito nga ba o hindi? Then that’s when you give up, pero try another thing,” dagdag niya.

Mensahe pa ni Dina sa kanyang failed relationship, “On that person who rejected you, okay lang quits tayo, hindi ako galit sa iyo. But maybe I’m deserved by somebody else, or maybe something better.”

Matatandaang nagpakasal uli si Dina kay dating Ilocos Sur Rep. Deogracias Victor “DV” Savellano noong March 28, 2012. Pumanaw naman ang dating kongresista noong January, 2025, sa edad na 65.

The post Dina Bonnevie sa breakup nila ni Vic: Saan ako mali? Pangit ba ‘ko? Tanga ba ‘ko? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments