Responsive Ad

Derek may bagong problema sa BOC dahil sa mamahaling Porsche; may dinaya raw sa tax

Derek may bagong problema sa BOC dahil sa mamahaling Porsche; may dinaya raw sa tax
PHOTO: Screengrab from Instagram

NILINAW ng aktor na si Derek Ramsay na ang pag-aaring Porsche 918 Spyder na nahuli sa Edsa kamakailan dahil sa pekeng plaka ay hiniram sa kanya ng kaibigang negosyanteng si Anthony Jude “AJ” Violago.

Base sa panayam nina Morly Alinio at Direk Chaps Manansala kay Derek sa online show na OOTD noong August 21 ay nasa Vietnam ang aktor nang maganap ang insidente.

“Hindi po suspendido ang lisensiya ko gaya nang sinasabi ng social media (at) hindi po ako ang nagmamaneho na may plaka ng initials ng kaibigan (AJV 0918) ko nasa Vietnam po ako no’n,” pagtutuwid ng aktor.

Nabanggit ni Derek na pag-aari niya ang Porsche 918 Spyder.

Baka Bet Mo: Derek Ramsay nagsalita na sa ‘pekeng plaka’ issue: I will cooperate

“Kaibigan ko ginamit ‘yung sasakyan ko registered may plaka, rehistro at ginamit niya dahil sa yabang kinabitan niya ng vanity plate na may initials niya, so, nag-apologize naman siya (at) nagpunta ako sa LTO to cooperate with the LTO (staff), sinabi nila kailangan kong dalhin ‘yung sasakyan dinala ko ang sasakyan the same day and I’m willing to cooperate,” kwento ng aktor.

Sa kasalukuyan ay naka-impound sa LTO compound ang Porsche 918 Spyder para sa karagdagang imbetigasyon.

Bukod sa LTO issue ay may nakarating kay Derek na may isyu rin daw ang kotse niya sa Bureau of Customs (BOC) dahil ang Porsche Spyder na pag-aari ng aktor ay mali ang deklarasyon umano o dinaya ang dokumento para makaiwas magbayad ng tamang buwis.

Base sa panayam kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, “Yung mas mahal na uri ng Porsche, yung tinatawag na Spyder Porsche limited edition nagkakahalaga noong panahon na ito’y pumasok noong 2021 between P75 to P100 million. Ang Boxster noong panahong iyon ay between 6 to 10 million depende sa specs.

“Ngayon dahil dineklara itong P6 to P10 million ang pinagbayarang buwis lang nito ay mababa sa P2 million o P1.8 million na ang dapat binayaran nito ay mahigit P30 to P35 million. So naisahan dito ang gobyerno, nadaya,” saad ng BOC commisioner.

At dahil dito ay obligadyong bawiin ng BOC ang Porsche Spyder kaya nakikipag-usap sila sa Land Transportation Office (LTO) kung saan naka-impound ang mamahaling kotse ni Derek.

“Ang trabaho natin kahit ikaw ay sikat, ikaw ay makapangyarihan, ikaw ay nasa pwesto kailangan nating ipatupad ang batas. Sa kaso na ito, ito ay kaso ng smuggling, kailangan talaga natin itong hulihin,” pahayag ng BOC executive.

Sa pagpapatuloy ng panayam nina Morly at direk Chaps kay Derek.

“And now I’m hearing na may issue sa Bureau of Customs and I’m willing to cooperate and answer anything that they have to ask me,” saad ng aktor sa kabilang linya.

Tanong ni Direk Chaps, “Alam ko medyo sensitive ‘yung (issue) nakakasakit ikaw ang bumili tapos kailangan mong sagutin ang lahat ng (tanong).”

“Well, responsibility ko po ‘yun as the owner of the car hindi ko po tinatago ang ownership po nyan nakarehistro po sa pangalan ko, that car was a dream car, investment kasi it’s a collectable, so, nag-invest po ako sa kotseng ‘yan nasa pangalan ko but of course the LTO and BOC were just doing their job and like I said I’m willing to cooperate and everything and anything they need nandito po ako,” pahayag ni Derek.

Tinanong ni Morly kung totoong nasa P200 milyon ang halaga ng Porsche 918 Spyder na pag-aari ng aktor.

“Hindi naman medyo na-exxags na ‘yung presyo noon na P200 milyon.  Ang kotse is worth a lot of money, yes and the car is appreciating slowly again sinabi ko binili ko po ‘yan kasi dream car and investment,” diin ni Derek.

Samantala, hindi pala kasama ang Porsche 918 Spyder sa ibinentang sasakyan noon ni Derek sa panahon ng pandemya at ang mga for sale niya noon ay, “Aston Martin DB11, Ferrari F12 Berlinetta, at Rolls-Royce Ghost.

The post Derek may bagong problema sa BOC dahil sa mamahaling Porsche; may dinaya raw sa tax appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments