Francine Diaz sa chikang ‘maldita’, ‘suplada’ siya: ‘Saan nakukuha ‘yun?’

DIRETSAHAN nang nagsalita si Francine Diaz tungkol sa mga blind item na naglalarawan sa kanya bilang “maldita,” “suplada,” at mahirap lapitan.
Sa exclusive interview ng PUSH ABS-CBN kay Francine, hindi nito itinanggi na napapansin niya ang mga usap-usapan tungkol sa kanyang attitude.
Pero sa halip na makipagsabayan sa ingay, pinili niyang sabihin kung ano mismo ang kanyang nararamdaman tungkol dito.
“I mean, I get a lot of blind items lately,” sey niya.
Baka Bet Mo: Francine Diaz nag-perform para sa healing process ng Tacloban school students
Ayon kay Francine, lalo siyang nalilito dahil madalas daw ay hindi naman siya palasalita o palaging nakikihalubilo kapag nasa trabaho.
“I’m just saying kasi laging name-mention ‘yung name ko and I am very, very confused because most of the time, tahimik lang talaga ako,” paliwanag ng young actress.
“So I don’t know saan nakukuha ‘yun. Kasi ‘pag tahimik, may masasabi. Kapag you’re being loud, meron pa rin. So parang that’s where I’m finding where the balance is,” wika pa niya.
Para kay Francine, posibleng nagkakaroon ng maling impression sa kanya dahil sa pagiging tahimik niya, lalo na kapag pagod na siya sa trabaho at sa pressure na kaakibat ng kanyang career.
“Siguro hanggang ngayon ‘yun pa rin kasi lagi akong nami-misinterpret for being quiet, na maldita, na hindi ako nakiki-mingle, especially when I’m exhausted from siguro the pressure and doing too much work,” depensa niya sa panayam.
Hindi rin naman daw niya gustong maramdaman ng mga taong nasa paligid niya na naiilang sila kapag kasama siya.
Kaya ngayon, aminado ang aktres na pinag-aaralan pa rin niya kung paano magiging komportable ang lahat nang hindi rin niya kailangang pilitin ang sarili niyang maging ibang tao.
“Pero hanggang ngayon, I’m trying to find the balance between pagiging tahimik and ‘yung ingay o ‘yung kulit. Parang I’m finding ‘yung silver lining, kung saan ba ‘yung tamang timpla,” pag-amin niya.
Dagdag pa niya: “Ayoko rin naman na parang maiilang sila when kasama nila ako kasi ganyan din ‘yung nafi-feel ko. So I think mas ganon. Kasi ayoko rin naman na ma-misinterpret nila ako and at the same time, I want to be present naman with everyone na I’m surrounded with.”
Sa halip na ubusin ang oras sa pag-iisip kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao, mas pinipili ngayon ni Francine na maging mapili sa mga criticism na papasukin niya sa kanyang isip.
“Parang I’m trying to teach myself na ‘wag i-pressure ‘yung sarili ko sa perception ng mga tao. May mga criticisms na professional nilang sabihin na minsan papaisip ako na, ‘Oo nga no. Siguro I should be more like this and like that.’ Or ‘pag bumati ako, baka pwede kong maidagdag or bawasan,” chika niya.
Pero malinaw rin kay Francine na hindi lahat ng sinasabi tungkol sa kanya ay kailangang dibdibin.
“Pero now, I’m teaching myself din to find the difference between constructive criticism and ‘yung bashing,” saad niya.
The post Francine Diaz sa chikang ‘maldita’, ‘suplada’ siya: ‘Saan nakukuha ‘yun?’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments