Responsive Ad

Kim Chiu hinirang na ‘Best Global Star’ sa South Korea!

Kim Chiu hinirang na ‘Best Global Star’ sa South Korea!
PHOTO: Facebook/Kim Chiu

HATAW sa international scene ang Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu

Muling ibinandera ni Kim ang kanyang star power matapos siyang tanghaling Best Global Star sa ginanap na iMBC Awards sa South Korea.

Nanguna si Kim sa vote-based category, habang pumangalawa ang Thai actress na si Rachanun Mahawan at pumangatlo naman ang Thai actress-singer na si Tipnaree Weerawatnodom.

Hindi rin nagpahuli ang kanyang ka-love team na si Paulo Avelino na nakapasok din sa listahan at nagtapos sa ikalimang pwesto sa naturang kategorya.

Baka Bet Mo: Kim Chiu iniintrigang buntis, humataw ng sayaw sa Australia

Matapos ang pagkilala, agad namang nagpasalamat si Kim sa kanyang mga supporter na patuloy na nagbibigay sa kanya ng todo-todong pagmamahal at suporta.

“Maraming maraming salamat po!” mensahe ni Kim sa fans na ibinandera sa kanyang X page kamakailan lang.

Samantala, kabilang sa mga nanguna sa iMBC Awards ang mga South Korean stars na sina Byeon Woo-seok at IU, na parehong nag-uwi ng Best Actor at Best Actress awards.

Ang iMBC Awards ay taunang awards program na inihahandog ng iMBC Entertainment, ang digital media arm ng Munhwa Broadcasting Corporation (MBC), isa sa mga pangunahing broadcasting networks sa South Korea.

At hindi na rin first time ni Kim na mapansin at parangalan sa South Korea.

Noong 2024, nagwagi siya ng Outstanding Asian Star award sa Seoul International Drama Awards para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Juliana Lualhati sa seryeng “Linlang.”

Kaya naman masasabi talagang international na ang level ng pagkilala kay Kim!

Bukod sa pag-arte, isa rin si Kim sa mga mainstay ng ABS-CBN noontime program na “It’s Showtime.” 

Nitong Hunyo lamang ay ipinagdiwang din niya ang kanyang 20th anniversary sa showbiz.

The post Kim Chiu hinirang na ‘Best Global Star’ sa South Korea! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments