Responsive Ad

Sara Duterte boldyak kay Luistro: Siya lang ang VP na may kaibigang hitman

Sara Duterte boldyak kay Luistro: Siya lang ang VP na may kaibigang hitman
Sara Duterte at Gerville Luistro

BASAG na basag si Vice President Sara Duterte sa naging hirit ni Lead Prosecutor Atty. Gerville Luistro sa  unang araw ng impeachment trial nitong Lunes, July 6.

Ipinagdiinan kasi ni Luistro na wala raw bise presidente sa kasaysayan ng Pilipinas na may kaibigang “hitman” at nagbalak na ipapatay ang Pangulo, kundi si VP Sara pa lamang.

Batay sa opening statement ni Luistro para sa prosecution team, naniniwala siya na dapat daw panagutin ang isang mataas ng opisyal ng pamahalaan tulad din sa isang ordinaryong Pilipino.

“Sa kasaysayan ng ating Republika, walang Bise Presidente na may kaibigang hitman, ngayon lang. 

“Walang Bise Presidente na nagpapapatay ng Presidente, ngayon lang. 

“Walang Bise Presidente na handang magpapatay para lang makaupo sa puwesto, ngayon lang,” ang punto ni Luistro.

Kung matatandaan, sinabi ni VP Sara sa presscon nito sa loob ng Batasan Pambansa noong November, 2024 kung saan nakakulong ang kanyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez, na may kausap na umano siya na papatay kina Pangulong Bongbong Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez kapag may nangyaring masama sa kanya.

Bukod dito, may mga pagkakataon ding nasambit ni Duterte na ini-imagine nito na putulan ng ulo si Marcos kung saan kabilang sa ebidensyang hawak ng prosecution ay mga video na sinertipikahan ng National Bureau of Investigation (NBI) na authentic o original.

“Among all the allegations before this Court, none strikes more directly at the heart of constitutional government than this one. Unlike many cases that depend upon competing accounts, this evidence comes substantially from the respondent’s own recorded statements,” sabi pa ni Luistro.

Isasalang ngayong araw, July 7, sa impeachment court kung saan dalawang testigo ang ihaharap ng prosecution at inaasahang muling  ilalabas sa korte ang mga video clip ng presscon ng bise presidente.

“Political rivals may disagree. They may criticize one another. They may compete fiercely for power. That is democracy. But democracy ends where violence begins,” saad ni Luistro.

The post Sara Duterte boldyak kay Luistro: Siya lang ang VP na may kaibigang hitman appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments