Responsive Ad

Mariel Padilla naka-unfollow na rin kay Anne Curtis sa IG

Mariel Padilla naka-unfollow na rin kay Anne Curtis sa IG
Mariel Padilla, Anne Curtis

PINAG-UUSAPAN na rin ngayon sa social media ang pag-unfollow umano ni Mariel Padilla kay Anne Curtis sa Instagram.

Matapos mapansin ng mga netizen na wala na sa following list ni Mariel si Angel Locsin, tila ganoon din umano ang nangyari kay Anne matapos magpahayag ng suporta sa tinaguriang “real-life Darna.”

Nag-ugat ang isyu matapos punahin ni Angel ang asawa ni Mariel na si Sen. Robin Padilla, kung saan sinabi nitong ang katapatan ng senador ay dapat nakatuon sa sambayanang Pilipino at hindi lamang sa iisang tao.

Isa si Anne sa mga celebrity na nagpakita ng suporta kay Angel. 

Baka Bet Mo: Mariel Padilla naka-unfollow na kay Angel Locsin sa IG, anyare?

Sa comment section ng naging post ng aktres, pabirong isinulat ng “It’s Showtime” host, “Welcome back mars, ay Darna pala.”

Dahil dito, lalong umugong ang espekulasyon nang mapansin ng mga “eagle-eyed” netizen na hindi na umano naka-follow si Mariel kina Angel at Anne, kahit dati’y madalas pa nitong i-like ang kanilang mga Instagram post.

Sa kabila nito, nakita ng BANDERA na nananatiling naka-follow sina Angel at Anne kay Mariel, as of this writing.

Mariel Padilla naka-unfollow na rin kay Anne Curtis sa IG
PHOTO: Screengrab from Instagram

Hanggang ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Robin kaugnay ng isyu. 

Tahimik din si Mariel at hindi pa nagbibigay ng anumang paglilinaw tungkol sa napapansing pagbabago sa kanyang Instagram following list.

Samantala, bukod kay Anne, ilan pang personalidad na nagbigay ng suporta kay Angel ay sina Enchong Dee, Bea Binene, Marina Summers, DJ Chacha, at Benjamin Alves.

The post Mariel Padilla naka-unfollow na rin kay Anne Curtis sa IG appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments