Responsive Ad

Catriona, ALAMAT, Jericho, Kyle magpapasiklab sa Binibining Pilipinas 2026!

Catriona, ALAMAT, Jericho, Kyle magpapasiklab sa Binibining Pilipinas 2026!
PHOTO: Instagram/@bbpilipinasofficial

BONGGA ang magiging bakbakan sa Binibining Pilipinas 2026 Grand Coronation Night ngayong Sabado, July 18, sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City!

Nasa 35 na naggagandahang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang magpapasiklaban para sa dalawang prestihiyosong korona.

Ayon sa ulat ng INQUIRER, Isa sa pinakamalaking pasabog ngayong taon ang pagbabalik bilang host ni Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos itong hindi makadalo noong nakaraang taon. 

Makakasama niya sa entablado ang kapwa Binibining Pilipinas queens na sina Nicole Cordoves at MJ Lastimosa.

Baka Bet Mo: SB19 binigyan ng tunog P-Pop ang ‘Bb. Pilipinas’ theme song

Magbabalik din bilang host si 1999 Miss Universe first runner-up Miriam Quiambao, na muling aakyat sa entablado ng Binibining Pilipinas matapos ang mahigit isang dekada. 

Huling napanood si Miriam sa Grand Coronation Night noong 2011, at dati na rin siyang naging host ng pageant noong 2002, 2004, at 2007.

Bukod sa mga beauty queen, siguradong paiinitin din ng mga performers ang gabi. 

Magbabalik sa Binibining Pilipinas stage ang P-Pop sensation na ALAMAT. 

Una silang nagtanghal noong 2023, pero hindi ito naipalabas sa telebisyon kaya ang mga nasa loob lang ng Araneta Coliseum lang ang nakapanood. 

Ngayong taon, mapapanood na rin ang kanilang performance sa bahay!

Makikisaya rin sa engrandeng gabi sina Kyle Echarri at Jericho Rosales, na inaasahang magdadagdag ng kilig at entertainment sa coronation night.

Dumating na rin sa Maynila ang reigning Miss International na si Catalina Duque ng Colombia, na magiging bahagi ng selebrasyon kasama ang reigning The Miss Globe na si Chayathanus Saradatta ng Thailand.

Hindi pa inilalantad ng Binibining Pilipinas ang official roster ng hurado, ngunit inaasahang kabilang sa magiging judges sina Duque at Saradatta. 

Tradisyon na ng organisasyon ang hindi pag-aanunsyo ng panel of judges bago ang mismong coronation night.

Samantala, ihahabilin na nina Bb. Pilipinas International 2025 Katrina Anne Johnson at Bb. Pilipinas Globe 2025 Annabelle McDonnell ang kanilang mga korona sa mga susunod na reyna na magdadala ng bandera ng Pilipinas sa international pageants.

Ang mapipiling Bb. Pilipinas International 2026 ang magiging kinatawan ng bansa sa 65th Miss International pageant sa susunod na taon.

Habang ang bagong Bb. Pilipinas Globe 2026 naman ang sasabak sa The Miss Globe 2026 na gaganapin sa Phuket, Thailand sa Nobyembre.

The post Catriona, ALAMAT, Jericho, Kyle magpapasiklab sa Binibining Pilipinas 2026! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments