Mariel Padilla naka-unfollow na kay Angel Locsin sa IG, anyare?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang dalawang aktres na sina Mariel Padilla at Angel Locsin.
Maraming netizens kasi ang nakapansin na naka-unfollow na si Mariel kay Angel sa Instagram matapos ang public callout ng huli kay Sen. Robin Padilla.
Siyempre, tiningnan din ng BANDERA ang umiingay na chika at very true nga na wala na sa following list si Angel sa IG page ni Mariel.
Habang naka-follow pa rin naman ang tinaguriang “real-life Darna” sa IG account ng TV host-actress.
Baka Bet Mo: Mariel Padilla binatikos sa pagsusuot ng doctoral regalia: ‘Nakakabastos’

Kamakailan lang, naging viral ang Facebook post ni Angel kung saan binarag niya ang mga pinaninindigan ni Robin pagdating sa mga kontrobersyal na isyu sa Pilipinas, partikular na sa mundo ng pulitika.
Nag-ugat ito sa pag-amin ng senador na isa siyang “komunista” nang usisain ni Atty. Jeremy Lotoc sa pagsalang nito bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte noong Martes, July 14.
Dahil diyan, tila naglabas ng sama ng loob si Angel nang tanungin niya ang actor-senador kung nasaan ito noong mga panahong isinasangkot siya sa red tagging.
Inamin din ni Angel na nadismaya siya kay Robin dahil tila parang kinakampihan pa nito ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy, kahit ito ay nahaharap ngayon sa iba’t ibang kaso.
Mensahe pa ni Angel sa kanya: “Tama na, Kuya. Gising na. Hindi pa huli ang lahat.”
Kung matatandaan, nagkatrabaho sina Angel at Robin sa ilang projects kabilang na ang GMA series na “Asian Treasures” at pareho rin silang naging hurado sa “Pilipinas Got Talent” ng ABS-CBN kasama sina Freddie M. Garcia (FMG) at Vice Ganda.
The post Mariel Padilla naka-unfollow na kay Angel Locsin sa IG, anyare? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments