Responsive Ad

Joshua Garcia pak na pak pa rin kay Queenay Mercado kahit may isyung DDS 

Joshua Garcia pak na pak pa rin kay Queenay Mercado kahit may isyung DDS 
Queenay Mercado at Joshua Garcia

WA EPEK sa host-actress at content creator na si Queenay Mercado ang kinasangkutang kontrobersya ng kanyang ultimate crush na si Joshua Garcia.

Sa kabila ng pamba-bash at pambebengga ng mga netizens sa Kapamilya actor dahil sa umano’y pagiging DDS (die hard Duterte supporter) nito, hindi nabawasan ang paghanga ni Queenay sa binata. 

Sa panayam ng ilang members ng entertainment media kay Queenay sa presscon ng 2026 Cinemalaya Film Festival entry niyang “Kaka Sa Yawan”, natanong ang vlogger tungkol kay Joshua.

Crush at hinahangaan pa rin ba niya ang kapwa niya Batangueño na si Joshua sa kabila ng kinasangkutan nitong isyu na may koneksyon sa politika.

Sagot ni Queenay, “Actually yeah, nakita ko nga rin yan. And siyempre dumadaan din yan sa FYT ko.

“So ako naman, siyempre ang paghanga ko naman sa kanya is bilang siya, hindi dahil sa kung anumang controversies ang nababato sa kanya o political side.

Baka Bet Mo: Joshua Garcia inakusahang DDS dahil sa TikTok video nina VP Sara, Sen. Alan

“Siya ay hinahangaan ko bilang isang aktor, bilang siya mismo. So, yun lang po,” sagot ni Queenay.

Samantala, may nagtanong din sa isa sa mga host ng “Vibe+” ng TV5 kung may time pa ba siya sa kanyang lovelife lalo’t sabay-sabay ang projects niya ngayon.

Bukod sa paggawa ng pelikula at content sa kanyang YouTube channel ay kasama rin si Queenay sa Kapatid series na “A Secret In Prague” nina Enrique Gil at Andrea Brillantes.

Tugon ng dalagang Batangueña, “May time pa ba ako sa lovelife? Parang wala. Wala na ho akong time sa lovelife.”

“Nanliligaw? Maraming nanliligaw pero medyo busy rin po talaga ako kaya hindi rin po ako ganu’n ka-focused talaga sa lovelife ngayon.

“Lalo na’t mas focused ako sa career and siyempre sa aking family,” ani Queenay.

Sa “A Secret in Prague” ay nakaka-loveteam ni Queenay si Mark Ian Garcia na kasama rin niya sa “Vibe+” at in fairness, marami ang nagsasabing meron silang chemistry.

“Talaga? Okay naman ba? May chemistry. Sinasabi naman ng iba, may chemistry naman daw. And maganda yung tandem namin. So sana, sana. Sana magtuluy-tuloy itong aming tandem ni Mark Ian.

“Kasi lalo na’t kung marami kaming napapasaya and at the same time, kung marami din naman ang sumu-support. Why not? Sana po, sana magtuluy-tuloy,” aniya.

Patuloy ng dalaga, “Si Mark Ian talaga, to be honest talaga, sa personal, parang sobrang mahiyain po talaga siya.

“Parang medyo may side of pagka-Angelito talaga siya. Pero nakakatuwa naman kay Mark Ian, sobrang bait din niya talaga.

“And sobrang caring din niya talaga sa personal. So sabi ko nga, ‘Para ka ring si Angelito talaga in person!’” saad ng aktres na ang tinutukoy na Angelito ay ang character ng aktor sa “A Secret in Prague.”

The post Joshua Garcia pak na pak pa rin kay Queenay Mercado kahit may isyung DDS  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments