Responsive Ad

Doc Liza Ong sa pagpapa-chemo: Unti-unti nang nahuhulog buhok ko 

Doc Liza Ong sa pagpapa-chemo: Unti-unti nang nahuhulog buhok ko 
Willie Ong at Liza Ong

NANINIWALA si Doc Liza Ong na malalagpasan niya ang pinagdaraanang pagsubok sa kanyang kalusugan.

Na-diagnose ng breast cancer ang misis ng sikat na doktor at content creator na si Doc Willie Ong at kasalukuyan ding sumasailalim sa iba’t ibang medical treatment.

Ibinalita ni Doc Willie ang kundisyon ng kanyang asawa sa pamamagitan ng isang video matapos siyang magbigay ng health update tungkol naman sa pakikipaglaban din niya sa stage 4 sarcoma cancer.

Ayon kay Willie Ong nasa early-stage invasive ductal carcinoma ang tumama sa kanyang asawa na itinuturing na pinakakaraniwang klase ng breast cancer.

Sasailalim ang doktora sa chemotherapy at immunotherapy at pagkatapos nito ay tatanggalin na ang kanang bahagi ng kanyang dibdib.

“Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Na-diagnose ako ng breast cancer six weeks ago. Kailangan ko matapos ang 12 weeks ng chemotherapy at apat na immunotherapy at sa huli ay opera para tanggalin ang right breast. Kaya ko ito at lalabanan ko ito,” pagbabahagi ni Doc Liza.

Baka Bet Mo: Doc Willie Ong sa stage 4 cancer: Bahala na ang Diyos sa buhay ko

Positibo ang doktora at social media personality na gagaling siya after ng mga pinagdaraanang medical treatment.

At sa kabila raw ng pinagdaraanang health issues, tuloy pa rin daw ang pagbibigay nila ng mga health tips para sa kanilang social media followers.

“Tuloy-tuloy pa rin kami sa paggawa ng health tips para sa inyo. Mahal na mahal namin kayo aming followers. God bless you,” ang  mababasa sa post ni Doc Liza sa Facebook.

Kuwento pa niya, “Unti-unti ng nahuhulog ang buhok ko sa chemotherapy. Okay lang kasi babalik naman pagkatapos ng chemotherapy.”

Pangako rin ng mag-asawa, patuloy nilang lalabanan ang kanilang mga cancer kasabay ng payo sa kanilang supporters na agad magpakonsulta sa mga eksperto at espesyalista kapag may naramdaman sa katawan.

The post Doc Liza Ong sa pagpapa-chemo: Unti-unti nang nahuhulog buhok ko  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments