Binibining Pilipinas 2026 ibinandera na ang Top 4 finalists

PINANGALANAN na ang mga kandidatang pasok sa Top 4 finalists para sa Binibining Pilipinas 2026.

Mula sa kaninang Top 12 semi-finalists, apat na lang ang maglalaban-laban at isang hakbang na lang para masungkit ang korona.

Nagtagisan nga ng galing ang 12 kandidata sa pagsagot ng mga tanong mula sa Binibining Pilipinas judges na siyang huhusgahan base sa content, clarity,conviction, conmection, at charm.

At matapos nga ng kanilang desisyon ay apat ang nangibabaw at siyang nag-advance para sa finals.

Baka Bet Mo: LIST: Mga pasok sa Top 12 ng Binibining Pilipinas 2026!

Narito ang Top 4 finalist na magpapatuloy sa kanilang journey sa Binibining Pilipinas 2026:

  1. Gwendoline Meliz Soriano – Baguio City
  2. Julianne Raine Amigo Antonio – Dumaguete City
  3. Tracy Mae C. Sunio – Bacolod City
  4. Sasha-Juli Belle Penuliar Lacuna – Tarlac Province

Sa pagtatapos ng gabi, ipapasa nina Bb. Pilipinas International 2025 Katrina Anne Johnson at Bb. Pilipinas Globe 2025 Annabelle McDonnell ang kanilang mga korona sa mga bagong reyna na magrerepresenta sa Pilipinas sa international pageant.

The post Binibining Pilipinas 2026 ibinandera na ang Top 4 finalists appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed