Responsive Ad

BB Gandanghari ididirek life story ni Rene Baterbonia, pero binarag ng bashers 

BB Gandanghari ididirek life story ni Rene Baterbonia, pero binarag ng bashers 
BB Gandanghari kasama ang pamilya ni Rene Baterbonia

KUNG may natuwa sa balitang si BB Gandanghari ang magdidirek sa biopic ni Rene Baterbonia, meron ding mga nambasag sa kanya.

Matindi ang tinatanggap na batikos ngayon ng utol ni Sen. Robin Padilla matapos lumabas ang balitang siya raw ang magdidirek ng life story ng  pumanaw na miyembro ng Ateneo Blue Eagles.

Bukod dito, inaakusahan din ng netizens si BB ng kung anu-ano dahil sa pagdalaw at pakikipag-bonding nito sa naulilang pamilya ni Rene.  

Sa kanyang Instagram page, tila nagparamdaman na nga ang proud transwoman na dating si Rustom Padilla na maaaring simulan na ang paghahanap ng mga artistang gaganap bilang mga magulang ni Rene.

“The Search is ON…. Who will be?! Mommy Rovelyn, Daddy Rene and BOBET!! Abangan…” ang mababasa sa post ni BB.

May ibinahagi rin ang kapatid ni Sen. Robin na litrato kung saan suot niya ang jersey ni Rene o Bobet. Sey niya sa caption, “It is with deep respect and honor that I get to wear your jersey, even just for a day. We will not forget.”

Narito ang ilang positibong comments ng netizens sa sinasabing biopic ni Rene at sa pagsusuot ni BB ng jersey ng namayapang Ateneo cager.

“I love you bb ur the sweetest. U are my idol since then, I like you more the way you pay respect for Rene. Justice for Rene plz lord god.”

“Wowowow! Sana ako din ma experience ko din syq. He is an inspiration to all young people. If given the opportunity to wish aside sa family ko, please holy spirit balik mo itong batang ito. Hay.”

“Hindi ka namin personally kilala Bobet pero madami kami na taga hanga mo. Salamat sa inspirasyon. Sana Maka it mo na nag hustisya.”

“I cant wait to watch this movie.. omgg mag ready na sa tissue and popcorn.”

Ayon naman sa ilang netizens parang gamit na gamit naman daw ni BB ang yumaong basketball player.

“Gatas na gatas ng mga DDilis ang kamatayan ni Rene.”

“Gamit na gamit ni accla yung namatay. Jusko.”

“Director???? Sino??? Si Bakla?????? Diyusmiyo….ano naman ang K ng baklang yan na mag direk??? Wala naman syang napatunayan pa as an actor!!! Ano bang matinong pelikula ang nagawa nyan??? Sana naman kung gagawing pelikula ang buhay ni Rene, sana ang magdirek ay yung may napatunayan na. Huwag naman sanang sayangin ang pagkakataon. Tutal gamit na gamit nyo na yung pagkamatay ni Bobet. Sobra nyo ng nagatasan. Tsk tsk.”

“Huwag kang tatakbo sa pulitika at matatalo ka lang kasi sirang sira na kayo ni Robin.”

Pero in fairness, may nagtanggol din kay BB mula sa mga haters.

Sabi ng isang socmed user, “Kung wala kang magandang sabihin sa tao manahimik ka nalang sana at sarili muh atupagin muh ng sa ganun me silbi ka din sa lipunan ng wala kang inaapakan na tao.dami mung satsat kala muh naman me ambag ka sa buhay nila.”

“Grabe naman kayo, pati ba naman yong nakikiramay hinahaluan mupa ng politica grabe respito nalang din sana sa pamilya ng naiwan ni bobet Hindi naman nangampanya Yan c bb gandang hari kundi dumalaw at nakikiramay hay Iwan noypi talaga grabe Ang mined set,” depensa ng isa pa kay BB.

“Alam mo ba na yung malikom na pera galing sa movie na gaganapin ay ipapatayo nang mga pangarap ni Rene? Kung ayaw mo sa mga Duterte wag mong isali dito pwera nalang kung mag donate ka nang milyon para mapagawan nang museum si Rene. Bakit ba ang kikitid nang mga utak ninyo? Bantay bitaw inag pagawas anang movie about Rene’s Life bantay manan-aw mo ha? Kung maka kuan mo wala raba gyud moy natabang!!! Cge’g hate uy!”

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni BB at ng pamilya ni Rene hinggil sa usaping ito.

The post BB Gandanghari ididirek life story ni Rene Baterbonia, pero binarag ng bashers  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments