Asawa ni Lindsay Custodio inisyuhan na ng arrest warrant sa VAWC case

KINUMPIRMA ng aktres at singer na si Lindsay Custodio na may arrest warrant nang inilabas ang korte laban sa kanyang estranged husband na si Frederick Cale.
May konek ito sa isinampa niyang kaso ng paglabag sa violence against women and children (VAWC) noong nakaraang taon.
“He has a warrant of arrest already. Thank God. But the case is still ongoing.
“I’m not really sure if I’m allowed to discuss details. But that’s it,” ang pahayag ni Lindsay base sa report ng Inquirer Entertainment.
Wala nang iba pang detalye na ibinigay ang dating Kapamilya actress tungkol sa isinampa niyang demanda sa nakahiwalay na mister.
Sa tanong kung kumusta na ang buhay niya ngayon, “By God’s grace, I’m okay. Moving forward.” Aniya, tuluy-tuloy pa rin ang kanyang healing journey.
Nang tanungin kung saan siya kumukuha ngayon ng tapang at lakas sa patuloy na paglaban sa mga hamon ng buhay, “From the Lord. Prayers. I trust and I believe and I surrender.”
Aktibo pa rin naman hanggang ngayon si Lindsay sa showbiz with some singing and acting engagements.
Ikinasal sina Lindsay at Frederick noong 2022. Nauna nang nagpakasal ang aktres kay former Tanauan, Batangas Vice Mayor Julius Caesar Platon II, na pumanaw noong 2018.
The post Asawa ni Lindsay Custodio inisyuhan na ng arrest warrant sa VAWC case appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments