Alexa Ilacad lalaban para sa mga kababaihang biktima ng ‘scandal’

MAS palaban na Alexa Ilacad ang mapapanood sa bagong original series ng iWant na “Miss Behave” na mapapanood simula ngayong araw, June 3.
Bago ang inaabangang premiere, ginanap kamakailan ang Blue Carpet Premiere nito bilang paunang-silip sa inaabangang iWant original.
Gagampanan ni Alexa ang karakter ni Marla Briones, isang top-achiever student na masisira ang iniingatang reputasyon matapos kumalat ang kanyang mga pribadong larawan sa campus.
Bibida rin kasama ni Alexa sina Xyriel Manabat, Reign Parani, Andi Abaya, at Rans Rifol na maiipit din sa iskandalong magdadala sa kanila sa kahihiyan.
Sa kabila ng kanilang pagkakaiba, magsasanib-pwersa sila para maghiganti at puksain ang nagpakalat ng scandal.
Higit naman sa istorya ng paghihiganti ang tema ng serye kundi sumasalamin din sa mga pinagdaraanan ng mga kababaihan sa totoong buhay.
“We made it with so much heart and pure intentions. Inaalay namin ito sa lahat ng kabataan at kababaihan na dumanas sa pinagdaanan ng mga karakter namin.
“This is for the victims and survivors of such incidents,” kuwento ni Alexa.
Tungkol naman sa pagiging mas matapang ni Alexa sa pagtanggap ng ganitong klase ng proyekto, “One thing about me na I think people can tell naman na is palaban naman po talaga ako.
“At bukod sa palaban, ang word of my life ngayon ay matapang na ako. So that’s what I had to channel for Miss Behave, kailangan ko siya tapangan. Kung gagawin ko ‘to, it’s all in or nothing at all,” ani Alexa.
Ayon naman sa direktor ng serye na si Ivan Andrew Payawal, “Dapat mapanood ito ng maraming tao kasi bukod sa tema ng aming palabas, it’s very relevant now.
“The issues that we are tackling are happening in real-life. Our show is a safe zone for everybody,” aniya.
Bibida rin dito sina JC Alcantara, Akira Morishita, Raven Rigor, Zach Castañeda, LA Santos, at Zach Guerrero.
Abangan ang premiere ng “Miss Behave,” na mapapanood ang unang episode nang libre ngayong June 3 sa iWant.
Eksklusibong mapapanood ang bagong episodes nito tuwing Miyerkules sa iWant sa pamamagitan ng subscription plans.
The post Alexa Ilacad lalaban para sa mga kababaihang biktima ng ‘scandal’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments