Responsive Ad

Marcoleta nag-sorry matapos tawaging ‘bayarin’ ang ilang media: I didn’t mean it

Marcoleta nag-sorry matapos tawaging ‘bayarin’ ang ilang media: I didn’t mean it
Sen. Rodante Marcoleta

HUMINGI ng paumanhin si Senador Rodante Marcoleta sa mga mamamahayag matapos niyang tawaging “bayarin” ang ilang miyembro ng media.

Ito ay kasunod ng matinding batikos na kanyang natanggap mula sa iba’t ibang media organizations at mga kasamahan sa gobyerno.

Sa isang press briefing nitong Huwebes, June 4, nilinaw ng senador na hindi niya sinasadyang sabihin ang naturang pahayag.

“I apologize for the way I spoke. I did not mean it,” sey ni Marcoleta, na iniulat ng INQUIRER.

Baka Bet Mo: Ping sa patama kay Risa ni Marcoleta: It’s the RULES stupid!

“This is because of my frustration over what happened and what I see happening,” giit niya.

Ipinaliwanag ni Marcoleta na ang kanyang sentimyento ay kaugnay ng umano’y mabagal na pag-usad ng imbestigasyon sa mga flood control projects, gayundin ang hindi pagbanggit sa kanya ng ilang media outlet na nag-cover sa “National Rally for Peace” ng Iglesia ni Cristo noong January 2025.

Ikinuwento niya na nagulat siya nang hindi man lamang maisama ang kanyang pangalan sa mga balitang isinulat ng 11 reporters mula sa dalawang malalaking pahayagan.

“When the Philippine Star reported on that incident, eight reporters worked on a single report. On the other hand, three reporters from the Philippine Daily Inquirer worked together on the same story. So 11 reporters heard it, yet my name was not even mentioned,” dagdag niya.

“How come 11 reporters did not see me or hear me as though I did not exist?” tanong pa ng senador.

Matatandaang umani ng matinding reaksyon ang naging pahayag ni Marcoleta matapos itong ilarawan ng Senate media bilang isang “irresponsible” at “reckless attack” laban sa mga mamamahayag.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), na nagsabing ang ganitong uri ng malawakang akusasyon ay maaaring makasira sa kredibilidad ng media at maglagay sa mga ito sa panganib.

Hindi rin pinalampas ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang isyu at kinondena ang naging pahayag ng senador.

“Journalists ferret out the truth and convey it to the public. This includes asking questions to whoever needs to be held accountable. Our colleagues in the Senate have been doing exactly what they ought to do,” pahayag ng grupo.

Dagdag pa ng NUJP, hindi dapat gawing partisan issue ang pamamahayag dahil ang pangunahing tungkulin nito ay ihatid sa publiko ang katotohanan.

“Allegations of corruption hurled against either side must be investigated fully. Journalism’s loyalty is to the people, not to any partisan group with vested interests,” saad pa nila.

Samantala, dumepensa rin si Senador JV Ejercito sa mga reporter na nakatalaga sa Senado.

“It’s sad to accuse the mainstream media of being paid,” lahad ni Ejercito.

Aniya pa, “During my time in the Senate, I will ensure that reporters and mainstream media assigned to the Senate are not paid.”

The post Marcoleta nag-sorry matapos tawaging ‘bayarin’ ang ilang media: I didn’t mean it appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments