ChiKapalaran (May 11-17, 2026): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo

LUNES na naman mga ka-BANDERA at sa kabila ng mga matitinding pagsubok na hinaharap ng bawat Pilipino ngayon ay tuloy pa rin ang paglaban natin sa buhay.
Tayo pa ba?! Kahit ano pang mangyari sa gitna ng mga challenges o pagsubok ay never tayong papatalbog sa mga challenge. Lavarn lang!
Kaya narito pa rin ang inyong resident charotera reader na magbibigay-gabay sa iyong magulo pero super colorful na life. Read mo muna ang iyong ChiKapalaran for this week.
ARIES (March 21-April 19)
Besh, medyo marami kang pagsubok this week. Stop ka muna sa pagrampa sa mall this week dahil mauubos na naman sa pagsa-shopping ang ni-loan mo.
Pay ka muna ng mga kautangan para hindi ka isumpa ng mga workmates mo na inis na inis na sa ‘yo.
Lucky Color: Light Brown
Lucky Number: 9
Swerte Meter: 3 Stars
TAURUS (April 20-May 20)
Pagod na pagod na pagod na pagod na pagod ka na ba bilang breadwinner ng pamilya? Pero bawal sumuko, besh!
Try mong maghanap ng karaketan para may extra kita habang abangers sa pinakahihintay na salary increase.
Lucky Color: Beige
Lucky Number: 15
Swerte Meter: 4 Stars
GEMINI (May 21-June 20)
Hindi ito ang panahon na magpaka-sad at mag-emote-emote. Iwasan na ang magpaka-feeling alone. It’s about time na unahin mo muna ang iyong self bago ang ibang tao.
May naghihintay na good news pagdating sa love. Huwag nang mag-inarte dahil tumatanda ka na friend. Choosy ka pa!?
Lucky Color: Red
Lucky Number: 13
Swerte Meter: 3 Stars
CANCER (June 21-July 22)
Wait ka lang at magkakaroon din ng kaliwanagan ang pinakahihintay na trabaho. Pero mag-ingat sa mga taong intrigera at inggitera dahil hindi ka nila titigilan hangga’t hindi ka bumabagsak.
Lucky Color: Yellow
Lucky Number: 2
Swerte Meter: 4 Stars
LEO (July 23-August 22)
Magiging lucky ang linggong ito for you. Masu-shookt ka sa matatanggap good news mula sa opisina pero besh, bawas-bawasan ang pagiging pabibo at pabida dahil hindi ka naman si Jollibee!
Lucky Color: Pink
Lucky Number: 20
Swerte Meter: 4 Stars
VIRGO (August 23-September 22)
Makaka-receive ka ng balita na maaaring magpabago sa boring mong life. But don’t rush things, pag-isipang mabuti ang magiging desisyon para walang pagsisisi sa ending.
Sa lovelife, nganga ka pa rin dahil ang taas-taas ng standard mo sa future dyowa.
Lucky Color: Navy Blue
Lucky Number: 18
Swerte Meter: 3 Stars
LIBRA (September 23-October 22)
Beware! May bago ka na naman haharaping pagsubok. Mag-ingat sa pagse-share ng personal details about your life sa social media at sa mga taong ngayon n’yo pa lang nakikilala.
Be vigilant, pansinin mo ang mga kilos ng mga taong nakapaligid sa ‘yo at malalaman mo kung sino sa kanila ang fake at totoo.
Lucky Color: White
Lucky Number: 30
Swere Meter: 3 Stars
SCORPIO (October 23-November 21)
Hangga’t may oras pa, itigil na ang pagsusugal online. Lubog ka na sa utang, besh! Unti-unti ka na ring nilalayuan ng mga friends mo na inutangan mo.
Aminin sa pamilya ang pagkaadik sa sugal para magabayan at matulungan ka nila.
Lucky Color: Black
Lucky Number: 1
Swerte Meter: 2 Stars
SAGITTARIUS (November 22-December 21)
Universe na ang nagpaparamdam sa iyo na sumugal na sa taong matagal nang gustong pumasok sa buhay mo.
Kung ano ang laman ng puso mo yun ang sundin mo. Ilaban mo na yan dahil baka pagsisihan mo sa huli kapag pinakawalan mo pa.
Lucky Color: Yellow Green
Lucky Number: 40
Swerte Meter: 4 Stars
CAPRICORN (December 22-January 19)
Ito na ang tamang panahon para mag-experiment. Time to explore! Iwan muna ang iyong comfort zone at magugulat ka sa magiging resulta.
Magaling ka at madiskarte kaya kering-keri mong i-achieve ang matagalmo nang pinapangarap! Kung hindi ngayon, kailan pa!? Gulatin mo ang sarili mo!
Lucky Color: Sky Blue
Lucky Number: 39
Swerte Meter: 5 Stars
AQUARIUS (January 20-February 18)
Swerte na ang lalapit sa iyo. Basta huwag mo lang kalilimutan ang mga taong tumulong sa yo nu’ng walang-wala ka pa.
Hindi naman sa tinatakot ka, warning lang, besh, para hindi bawiin ang lucky star mo.
Lucky Color: Dark Red
Lucky Number: 7
Swerte Meter: 4 Stars
PISCES (February 19-March 19)
Isang kaibigan ang lalantad at aamin sa nararamdaman niya for you. It’s up to you kung tatanggapin ang alok niyang pagmamahal.
Pero ang sure na sure, lucky ka sa pera this week.
Lucky Color: Violet
Lucky Number: 25
Swerte Meter: 4 Stars
Mga ka-BANDERA, always tandaan, ang mga nakasulat sa ChiKapalaran ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o dedmahin.
The post ChiKapalaran (May 11-17, 2026): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments