Responsive Ad

Bato dela Rosa nilaru-laro ng bashers, panaginip kay Duterte viral uli

Bato dela Rosa nilaru-laro ng bashers, 'tearful reunion' kay Duterte viral uli
Bato dela Rosa

FEELING ng mga mapang-asar na Pinoy, mukhang magkakatotoo ang panaginip ni Sen. Bato dela Rosa patungkol sa kanila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binalikan kasi ng mga netizen ang social media post noon ni Sen. Bato na may konek sa napanaginipan niyang “tearful reunion” nila ni Duterte.

Nananatili pa rin ang dating pangulo sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands habang dinidinig ang kanyang kasong “crimes against humanity”. 

Nitong nagdaang Lunes, May 11, muling nagpakita sa Senado si Bato makalipas ang anim na buwang pagtatago nang mapabalitang naglabas na ng arrest warrant ang ICC laban sa kanya.

Sa muli niyang pagdalo sa sesyon ng Senado ay kinumpirma ng ICC na may arrest warrant na nga laban sa senador. 

Sinabi ng ICC na inilabas nang “confidential”at “under seal” ng Pre-Trial Chamber I ang arrest warrant noong November 6, 2025.

“The International Criminal Court confirms that the document published by national authorities of the Republic of the Philippines and circulated in media is indeed a formal ICC document.

“This arrest warrant against Mr Ronald Marapon Dela Rosa was issued confidentially, under seal, by Pre-Trial Chamber I of the ICC on 6 November 2025,” ayon sa ICC.

Pero bigo ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) na madakip si Bato matapos itong manlaban at tumakbo papasok ng Senate building kung saan siya binigyan ng protective custody.

Sa isang social media post, binalikan nga ng mga netizen ang post ni Dela Rosa noong September 1, 2025, tungkol sa panaginip niyang nagkaroon sila ng reunion ni Duterte.

“Last night I had a dream: Mayor Rody was granted house arrest. We had a tearful reunion. We hugged each other and he whispered to me. ‘Ronald, I’m okey now.’ Lord, pls make my dream come true,” ang post ng senador sa Facebook. 

Dahil dito, nilaru-laro siya ng mga FB users. Narito ang ilang reaksyon ng netizens.

“Dreams do come true.”

“NA-DREAM COME TRUEEE AY?”

“Akalain mo yun, dreams do come true nga.”

“Ngayon na matutupad na pangarap mo Ikaw naman ang ayaw?”

“UP!!! SEE YOU DAW SA THE HAGUEEEE!!! NAG MANIFEST KA TAPOS TATAKBUHAN MO NBI.”

“Samahan mona tatay mo, ito na pagkakataon mo bato.”

“Ayunnnn dream come true.”

“Ayun, malapit nang matupad ang pangarap mo.”

“Naks magkikita na sila!”

“Yieeee matutupad na ang iyong dream sa hague nga lang kayo magkikita.”

“Malapit na matupad ang wish nya.”

The post Bato dela Rosa nilaru-laro ng bashers, panaginip kay Duterte viral uli appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments