AJ Raval ayaw nang maghubad sa pelikula: Siyempre may mga anak na po ako

AMINADO ang dating VMX o Vivamax Queen na si AJ Raval na may nararamdaman siyang pagsisisi sa paggawa ng sexy movies noon.
Pero wala na raw siyang magagawa dahil nangyari na ito at hindi na niya maibabalik at mababago pa ang nakaraan.
Muling nagpaunlak ng panayam si AJ sa “Fast Talk with Boy Abunda” at isa nga sa mga nausisa sa kanya ng King of Talk ay kung willing at game pa siyang tumanggap ng sexy projects.
Kuwento ng aktres at live-in partner ni Aljur Abrenica, pagkatapos ng unang guesting niya sa talk show ni Tito Boy sa GMA kung saan inamin niyang lima na ang kanyang anak, ay may mga nag-offer pa sa kanya ng mga sexy films.
Ngunit tinanggihan daw niya lahat ang mga ito, “Siyempre may mga anak na din po ako, ilan na po sila. Ayoko na pong gumawa ng ganu’n.”
Ano naman kaya sa palagay niya ang sasabihin ni Aljur sa mga sexy project na ino-offer sa kanya.
“Si Aljur po susuporta lang po ‘yan kung ano ang gusto ko. Pero as a partner, rerespetuhin ko si Aljur na magdedesisyon ako na kung ano ang hindi ko dapat gawin,” tugon ni AJ.
Hindi rin isyu sa aktres kung si Aljur naman ang tatanggap ng mga proyekto kung saan kailangan nitong makipaghalikan at makipag-love scene.
Kasunod nga nito, sinabi ni AJ na may pagsisisi siya sa paggawa niya noon ng sexy projects pero wala na nga naman siyang magagawa dahil past is past na.
“Ang maganda po roon, marami akong natutunan. Nagawa ko na po ito, hindi na siya gagawin ng mga anak ko,” saad ng celebrity mom.
Gusto naman niyang subukan ang pagdadrama sa susunod niyang mga projects, tulad ng ginawa niyang akting sa isang episode ng “Magpakailanman” hosted by Mel Tiangco.
The post AJ Raval ayaw nang maghubad sa pelikula: Siyempre may mga anak na po ako appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments