Responsive Ad

Ricci Rivero na-hulicam, may pa-forehead kisses kay Juliana Gomez

Ricci Rivero na-hulicam, may pa-forehead kisses kay Juliana Gomez

HULING-HULI sa kamera ang pagiging super sweet ng rumored couple na sina Ricci Rivero at Juliana Gomez.

Nitong Linggo, April 26, namataan ang dalaga na isa sa mga nanonood ng PBA game ng Phoenix Super LPG vs Converge.

Si Ricci ay bahagi ng basketball team ng Phoenix Super LPG.

Sa isang video, makikita na pagkatapos ng  game ay pumunta ang binata sa audiwnxe arwa kung saan nakaupo si Juliana at tila sumenyas na magbibihis muna.

Baka Bet Mo: Ricci Rivero, Juliana Gomez nagkakamabutihan na?

Pagkatapos magbihis ay bumalik so Ricci sa puwesto no Juliana para sunduin ito sabay halik sa noo ng dalaga at hawak sa kamay nito.

Makikitang nakangiti ant binata habang nakikipagkuwentuhan sa unica hija nina Rochard Gomez at Lucy Torres at muli itong hinalikan sa ulo.

Magka-holding hands rin sina Ricci at Juliana nang lumabas sa court.

Mukhang inlove na inlove talaga ang dalawa sa isa’t-isa dahil ramdam mo ang kanilang suporta sa tuwing may laro o laban ang bawat isa.

Matatandaang present rin si Ricci nag lumaban sa SEA Games si Juliana noong December 2025.

The post Ricci Rivero na-hulicam, may pa-forehead kisses kay Juliana Gomez appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments