Connie Sison sa pag-aasawa, pagbuo ng pamilya: It’s a calling to be holy
PARA sa veteran broadcast journalist at news anchor na si Connie Sison, napakahirap talaga na magkaroon ng sariling pamilya.
Isangvseryoso at panghabangbuhay na commitment ang pag-aasawa at pagkakaroon ng anak.
Sa guesting ni Connie sa “Fast Talk with Boy Abunda”, natanong siya kung ano ang sikreto para mapanatili ang isang solid at very successful marriage.
“Kasi sa totoo lang, ang marriage is, sabi nga nila, it’s not just to be happy, it’s a calling to be holy,” simulang pahayag ng Kapuso news anchor at TV host.
“So, parang ang goal is really to call each other higher. Kapag nagkakamali ‘yung isa, you have to be strong for the other person.
“Hindi kayo pwedeng magsumbatan, kailangan talaga it’s partnership, and it’s a daily decision to love that person, no matter how bad sometimes things get,” saad pa ni Connie.
Pagpapatuloy pa niya, “May mga times talaga na magkakainisan kayo, pero the decision is you have to be 100 percent, not 50-50, kailangan buo kayo, 100 percent.
“Kapag nanghihina ‘yung isa, pupunan nu’ng isa ‘yung panghihina nu’ng isa and vice versa,” lahad ng news anchor.
“You choose that person daily, and kahit gaano kanakakainis o may mga disagreements kayo, sometimes you have to just keep quiet and pray about it.
“And sometimes, ‘yung mga bagay na hindi n’yo mako-control, you lift up to God,” ang mariin pang sabi ni Connie Sison.
The post Connie Sison sa pag-aasawa, pagbuo ng pamilya: It’s a calling to be holy appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments