Top 1 sa mga pumasa sa Physician Licensure Examination hindi pinangalanan

HINDI inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) ang pangalan ng nakasungkit ng top 1 spot sa nagdaang March 2026 Physician Licensure Examination.
Nitong Miyerkules, April 8, inanunsyo na mg ahensya na 1,954 ang pumasa mula sa 2,781 na nag-take ng licensure exam o katumbas ng 70.26%.
Ngunit sa inilabas na dokumento ng PRC, hindi pinangalanan ang nakakuha ng Top 1 spot at sa halip ay “NAME WITHHELD” at wala ring naturang rating.
Samantala, inihayag naman ng ahensya na may ilang mga resulta ang pansamantalang hindi inilabas dahil patuloy pa ang beripikasyon.
Baka Bet Mo: Henry Alcantara hiling na i-reverse pagkaka-revoke ng PRC license
“The results of examination with respect to five (5) examinees were withheld pending final determination of their liabilities under the rules and regulations governing licensure examinations; and one (1) was withheld for further verification,” sey ng PRC.
Samantala, Top 2 si Alexis Bernardo Temblique mula sa Cagayan State University-Tuguegarao na may 90.58% rating at Top 3 naman si Enrico Jose Pacatang Gomez ng De La Salle Medical & Health Sciences Inst. na may 89.92% rating.
The post Top 1 sa mga pumasa sa Physician Licensure Examination hindi pinangalanan appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments