Max Collins hindi pa rin mahanap ang ama: I’m gonna stop, pagod na ‘ko
GINAWA na ng Kapuso actress na si Max Collins ang lahat para mahanap ang kanyang ama pero hanggang ngayon ay bigo pa rin siya.
Baby pa lang daw siy ay naghiwalay na ang kanyang magulang, iniwan daw sila ng tatay niya at hindi na kailanman bumalik.
Ayon kay Max, hindi man daw niya nakilala at nakagisnan ang kanyang ama, never daw niyang naramdaman na may kulang sa kanyang pagkatao.
Napag-usapan ang tungkol sa tatay ng Kapuso star nang mag-guest siya sa “Fast Talk With Boy Abunda” kamakailan.
Natanong siya ng King of Talk na si Boy Abunda kung hihingi ba siya ng tulong sa isang manhunter tulad ni Atoy, ang karakter ni Dingdong Dantes sa latest GMA series na “The Master Cutter” para hanapin ang kanyang tatay.
Nag-yes naman ang aktres kasabay ng pag-amin na sinubukan niyang hanapin ang ama pero hindi niya ito nakita.
“I am gonna stop. Pagod na ‘ko. Okay na ‘yun. Not to be mean but it’s like my mom did everything.
“Siya ‘yung tumayong ina at ama sa aming pamilya so hindi ko siya kailangan,” ang pahayag ni Max.
“Umalis siya, never naman siya bumalik. Hindi naman niya ako hinanap. So ba’t ko naman siya kailangan hanapin,” saad pa ng aktres.
Ngunit sey ni Max, hindi siya galit sa kanyang tatay, “I really felt like mabubuo ako kapag nakilala ko ang tatay ko. Pero hindi pala totoo ‘yun eh.
“Depende sa perspective mo sa buhay, ‘yun ‘yung natutunan ko,” ang lahad pa ng leading lady ni Dingdong sa “The Master Cutter” na ipalalabas na next month.
Matagal nang hiwalay si Max sa kanyang estranged husband na si Pancho Magno. Biniyayaan sila ng isang anak at maayos naman daw ang kanilang co-parenting agreement.
The post Max Collins hindi pa rin mahanap ang ama: I’m gonna stop, pagod na ‘ko appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments