Responsive Ad

Yasser Marta nag-promise kay Robb Guinto: Hinding-hindi kita iiwan!

Yasser Marta nag-promise kay Robb Guinto: Hinding-hindi kita iiwan!
Yasser Marta at Robb Guinto

NANGAKO ang Kapuso hunk actor na si Yasser Marta na hinding-hindi niya iiwan ang kanyang sexy actress girlfriend na si Robb Guinto.

Umaasa at ipinagdarasal ng celebrity couple na sana’y sila na nga ang itinadhana para sa isa’t isa at tumagal ang kanilang relasyon hanggang sa ending.

Sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, parehong nagbitaw ng pangako sina Yasser at Robb na gagawin nila ang lahat para mapanatili ang init ng kanilang pagsasama.

“Lagi kong ipinapangako na hindi tayo maghihiwalay. Hindi ako susuko at hinding-hindi kita iiwan,” ang pahayag ni Yasser.

Sey naman ng dating Vivamax Queen, “Simula noong nakilala kita, alam ko naman sa sarili ko na ikaw na. Kaya ipinapangako ko sa ‘yo na ikaw na ang huling lalaking mamahalin ko.”

Ayon pa kay Yasser, this early ay napag-uusapan na rin nila ni Robb ang tungkol sa pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya.

Saad pa ni Yasser, “Nandu’n ‘yung thought na magpakasal. Sinasabi namin sa bawat isa pero hindi naman gano’n ka-specific pa talaga na planadong-planado. 

“Pero lagi kong sinasabi sa kaniya na pupunta tayo ru’n,” ang pagbabahagi pa ng hunk actor.

Sa isang interview, kinumpirma nina Robb at Yasser ang kanilang relasyon.

The post Yasser Marta nag-promise kay Robb Guinto: Hinding-hindi kita iiwan! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments