Responsive Ad

Robin Padilla nakiisa sa ‘Tay, Kami Naman!’ movement para kay Duterte

Robin Padilla nakiisa sa 'Tay, Kami Naman!' movement para kay Duterte
Rodrigo Duterte at Robin Padilla

NAKILAHOK si Sen. Robin Padilla sa ilang grupo ng mga supporters ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagsumite ng mga karagdagan pirma sa isinusulong nilang “Tay, Kami Naman!” movement. 

Personal na nagpunta ang senador at action star sa Supreme Court kahapon, March 11, para ibandera ang kanyang suporta kay Duterte na nakakulong pa rin sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Kahapon, March 11, ang unang anibersaryo ng pag-aresto sa dating presidente at pagdala sa kanya sa The Hague para sa umano’y kasong “crimes against humanity” kaugnay ng ipinatupad niyang war on drugs.

Nag-post si Padilla ng video sa kanyang Facebook page kung saan sinabi niyang nagtungo siya sa Supreme Court bilang miyembro ng partidong PDP-Laban at isulong ang petisyong “Tay, Kami Naman!” movement. 

“Ako po’y nandirito bilang miyembro ng PDP. Ako po’y nandid

Rito para samahan ang ating mga kasama sa ‘Tay, Kami Naman.’ 

“Dahil kami po ay halos masasabi po natin na sa matagal na panahon, isang taon na po, medyo nangangamba na po ang maraming mga nagmamahal kay Digong,” paliwanag ng mister ni Mariel Rodriguez.

Dugtong ni Padilla, “Kaya nangalap po kami ng mga tunay na pirma. Tunay na mga tao na pumirma po para ipakita po sa Supreme Court na naghahangad na po kami [ng] lahat ng desisyon nila kung ano po ba talaga. 

“Kung ‘yung pagkakadala po ba sa aming mahal na tatay Digong ay legal o ilegal,” aniya pa.

Patuloy pa niya, “Alam n’yo po, marami na po nai-file kasi dito na mga petisyon na hinihingi po natin sa ating mga Justices na desisyunan na po nila. Opo. Isa po tayo sa mga nauna.” 

Nabanggit naman ng isang kaalyado nina Robin at Duterte, “238,561 signatures. Combination po ‘yon no’ng first at second batch. Today, we filed 76,000 signatures.” 

The post Robin Padilla nakiisa sa ‘Tay, Kami Naman!’ movement para kay Duterte appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments