Karl Eldrew Yulo nasungkit ang gold medal sa FIG Gymnastics World Cup
NAIUWI ni Karl Eldrew Yulo ang kanyang gold medal sa floor exercise finals ng Antalya leg sa Turkiye last Saturday, March 14.
Ito’y para sa FIG Gymnastics World Cup, kung saan nakuha ni Yulo ang kanyang first ever senior level gold medal.
Nanalo si Yulo matapos makapagtala ng score na 14.100, mas mataas sa 13.833 na nakuha ni Eamon Montgomery ng Ireland at 13.333 ni Rayderly Zapata ng Spain.
Kasunod nito, kinilala rin ng Gymnastics Association of the Philippines ang panibagong karangalang ibinigay ng binatang atleta para sa Pilipinas.
“After performing with a stellar score of 14.100, we are proud of you Eldrew!” ang mababasa sa Facebook post ng GAP.
Nagpayahag din ng pagbati ang MVP Sports Foundation, Inc. para kay Karl bilang bagong gold medalist ng gymnastics.
“Congratulations, Eldrew!’ ang post ng MVPSF sa kanilang Facebook page nitong Linggo, March 15.
Ang pagkapanalo ni Yulo sa FIG Gymnastics World Cup ay maituturing na “comeback” niya matapos masungkit ang ikaanim na puwesto sa floor exercise at ikapito naman sa horizontal bar finals ng Gymnastics World Cup Baku Leg, na ginanap sa Azerbaijan.
The post Karl Eldrew Yulo nasungkit ang gold medal sa FIG Gymnastics World Cup appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments