Responsive Ad

Gil Cuerva dedma pa rin sa ‘sex video’, Lexi nakipagbardagulan sa bashers

Gil Cuerva dedma pa rin sa 'sex video', Lexi nakipagbardagulan sa bashers
Gil Cuerva at Lexi Gonzales

HABANG tahimik pa rin si Gil Cuerva sa pagkalat ng umano’y video scandal niya, tuloy naman ang pagtatanggol sa kanya ng ex-girlfriend na si Lexi Gonzales.

Abangers pa rin ang madlang pipol sa magiging paliwanag ni Gil tungkol sa pinagpipiyestahang sex video kung saan mapapanood ang isang lalaking nagpapaligaya sa sarili at nakikipagtalik sa partner niyang babae.

Pero habang hindi pa nagsasalita ang Kapuso hunk, ang ex-GF niyang si Lexi ang nakikipagbardagulan sa mga netizens na nagkokomento sa napanood nilang video.

Unang ipinagtanggol ni Lexi si Gil sa pamamagitan ng sunud-sunod na post sa Threads kung saan tinawag niyang “nakakadiri” ang mga nagpapakalat ng malisyoso at maling balita para lang makapanira ng kapwa.

“Disgusting how some people are like flies who flock on other people’s dirty laundry. You guys are absolute scum of the Earth.

“Spreading false information and manipulated content of someone is punishable by law.

“Kadiri kayo. Repulsive. You wouldn’t know what that means kasi nothing disgusts you,” sabi pa ni Lexi.

Sa comments section ng mga post ni Lexi, may netizen na nagkomentong, “Buti kumawala ka kay @gilcuerva. Good decision.”

Nang mabasa ito ni Lexi ay ni-repost niya ang naturang comment at niresbakan ang netizen. Aniya, “Regardless of what happened between us, people shouldn’t be trying to ruin a person’s integrity by by spreading malicious and illegal content about them.

“Mahiya naman kayo. You guys should have some DIGNITY & RESPECT,” ang panunupalpal ng aktres sa basher.

Bukod kay Gil, pinagpipiyestahan din ngayon ang umano’y video scandal nina Nikko Natividad, Ron Angeles at Arron Villaflor na tinawag pang “The Big Four” nang mag-trending sila sa X.

The post Gil Cuerva dedma pa rin sa ‘sex video’, Lexi nakipagbardagulan sa bashers appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments