Chito Miranda, Gab tumulong sa pagba-busking ng tatay sa UP: Angas!
HINANGAAN ng netizens ang pagtulong ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda sa isang tatay na tumutugtog sa loob ng University of the Philippines (UP) Diliman.
Nagpasabog ng good vibes ang pagtugtog ni Chito sa University of the Philippines (UP) Diliman kamakailan kasama ang kabanda niyang si Gab Chee Kee.
Sa pamamagitan ng Facebook account, ibinahagi ni Neri ang ginawang pagtulong ng mister sa tatay na nagba-busking sa UP na gustong kumita ng extra para sa anak nitong nag-aaral.
Ni-repost ng aktres at negosyante ang video ng isang netizen sa naging performance nina Chito at Gab kasama ang tumutugtog na tatay na nagngangalang Leo Santos.
Base sa nakasulat sa placard na nasa harapan ni Tatay Leo, nasa ikalawang taon na ang anak niya sa medical school.
“Nasa UP sila Chito kahapon para igala si Miggy (anak ng celebrity couple) tapos may nagba-busking daw na tatay para raw sa anak nyang nagme-med school.
“Kaya tinawagan daw nya si Gabriel para tulungan yung tatay… game naman si Gab kaya pumunta sa UP Diliman agad. Thank you, Dad and Gab!” ang caption ni Neri sa kanyang FB post.
Todo naman ang pasasalamat ni Tatay Leo sa ginawang pagtulong nina Chito at Gab.
“Ang solid ni sir chito. Lumapit sya habang nagbabusking ako, gusto nya raw tumulong sa pamamagitan ng pagkanta nya ng ilan nilang kanta.
“I’m so honored, we are so blessed. Angas!!” ang mensahe ni Leo.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa kabutihang-loob ng OPM icon.
“Nostalgiiiic walang kupas!!!”
“Simpleng busking, naging concert for a cause.”
“Ang Babait.”
“Para doon sa anak. Sana mag aral ng mabuti. Di biro ang sakripisyo ng mga magulang at pagmamahal. Pagtatapos niyo lng masaya na ang magulang.”
“Swerte ng mga nandoon libre.”
“Panalo ang timing.”
“Ganto sana ko at ang mahal ng tuition ng Nursing student kong anak kaso d pala ko marunong mag gitara at d maganda boses haha!”
The post Chito Miranda, Gab tumulong sa pagba-busking ng tatay sa UP: Angas! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments