Miss Philippines-Earth 2013 runner-up pinatay dahil sa galit, inggit?
NAKAUSAP pa ng kanyang asawa si 2013 Miss Philippines-Earth runner-up Lullete Jane Ramilo De Guzman bago ito pagbabarilin hanggang sa mamatay.
Kuwento ni Clifford dela Cruz, hindi raw niya akalaing yun na pala ang hulig pag-uusap nila ng 32-anyos na dating beauty queen na binaril sa loob ng kanyang SUV sa harap ng kanilang bahay sa Barangay Cabaritan, Isabela nitong Biyernes ng gabi, February 13.
Ayon sa ulat, ang suspek ay nakasakay sa isang motorsiklo, at pumasok sa gate ng bahay ng biktima at saka ito pinagbabaril. Nakaligtas naman ang tatlo nitong na kasama niya sa sasakyan.
Sa kanyang Facebook page, mahaba ang iniwang mensahe ng naulilang asawa at ama para sa namayapang guro.
“Gusto na kitang ma-hug asawa ko. Sobrang sakit ng nangyari sayo. Hindi ko malaman kung nananaginip lang ako na mangyayari to sayo.
“Ako nalang sana kinuha ni Lord. 30 minutes lang na nag tumawag ako sayo, yun na pala huling i love you mo sakin. Nawala ka na.
“Tumawag si mama na may nangyari sayo na karumaldumal.
“Hindi ko maprocess, nag-check out nako kaagad sa hotel sa Manila at dumiretso sa bus station na lumilipad isip ko,” ang simulang bahagi ng post ni Clifford.
Patuloy niya, “Pumunta lang ako saglit for my trainings, at sabi ko enjoy nating mamasyal pag-uwi ko.
“Ang sabi mo kanina feeling mamatay ka na so sabi ko sayo punta ka na ng hospital at magpapa-check ng ECG at lab tests, and sobrang natuwa ka pa na yung nararamdaman mo ay hindi heart related.
“Sabi mo uwi ka na at magbibyahe ka pa kasi susunduin mo si Juneau sa school nya at uuwi na kayo ng bahay.
“Pero sa isang iglap nawala ka na sa piling namin dahil sa kagaguhan ng mga tao na may inggit sayo at intimidated sa pagiging matapang mo,” saad pa niya.
Mas lalo pa raw siyang nasaktan nang tawagan siya ng mga anak at inilahad ang nasaksihang nila ang karumaldumal na krimen sa loob ng kanilang sasakyan.
“Inabangan talaga kayo sa harap ng bahay natin at nakuha mo pang iligtas tatlo nating anak.
“Nadudurog puso ko ng sobra nang nakikita kong umiiyak ang aking mga anak dahil sa trauma na nakita nila sa nangyari kanilamg Mommy,” pagbabahagi ni Clifford.
Narito naman ang mensahe niya kay Lullete, “Mahal na mahal kita yamq! I know you’re in heaven now, but I will still hug you in the morgue tomorrow morning kaya ayokong ipagalaw body mo at yayakapin kita ng sobra-sobra.
“Mahal na mahal kita, ikaw lang mamahalin ko sa buong buhay ko at mga anak nating tatlo.
“Itataguyod ko sila, and praying they will be healed from pyschologoical and mental trauma.
“Ang sakit sobra. #JusticeforJing,” pagwawakas ni Clifford.
The post Miss Philippines-Earth 2013 runner-up pinatay dahil sa galit, inggit? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments