Responsive Ad

Angel Locsin inatake ng nerbiyos sa PBB eviction night dahil kay Joaquin

Angel Locsin inatake ng nerbiyos sa PBB eviction night dahil kay Joaquin
Joaquin Arce, Neil Arce at Angel Locsin

MATINDING nerbiyos ang naramdaman ng award-winning actress na si Angel Locsin habang nanonood ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0” eviction night.

Ito’y dahil kasama nga sa mga nominadong celebrity housemates ang stepson niyang si Joaquin Arce, anak ng kanyang asawang si Neil Arce sa una nitong karelasyon.

Abot-langit ang pasasalamat ni Angel nang makakuha ng sapat na boto mula sa madlang pipol si Joaquin at maipagpatuloy ang kanyang journey sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Maraming salamat po sa lahat ng bumoto kay Joaquin… yung nerbyos ko talaga…,” ang mensahe ni Angel sa kanyang Facebook post.

Aniya pa, “Mixed emotions talaga kapag may na-e-evict kasi magkakaibigan sila sa loob. Mahigpit na yakap kay Sofia & Eliza…Capcap, tahan na.”

Sa naganap na eviction night nitong weekend, ang Kapuso housemate na si Sofia Pablo (8.46%) at si Kapamilya housemate Eliza Borromeo (20.97%) ang latest evictee sa “PBB Celebrity Collab” season 2, matapos makakuha ng pinakamababang boto sa nangyaring “votes to save.”

Ligtas naman ang iba pang nominadong sina Joaquin Arce (45.70%), Carmelle Collado (33.33%), Caprice Cayetano (51.62%), at Heath Jornales (39.92%).

Base sa mga social media post ni Angel, talagang nakatutok siya sa mga kaganapan sa iconic Kapamilya reality show kung saan todo ang suporta niya kay Joaquin.

Matagal nang hindi nagpapakita sa publiko si Angel matapos magdesisyong iwan muna ang showbiz para makapag-focus sa kanyang married life.

Kaya naman ang tanong ng mga netizens, kabilang na ang kanyang mga loyal fans, magpakita na kaya siya sa “Big Night” ng “PBB”, kung sakaling makapasok si Joaquin sa Big 4.

Iyan ang dapat nating abangan mga ka-BANDERA! 

The post Angel Locsin inatake ng nerbiyos sa PBB eviction night dahil kay Joaquin appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments