Willie Revillame umaming wala nang sex life: Patay na siya!
MAY kumakalat na chika na may karelasyon daw ngayon ang veteran TV host na si Willie Revillame na ang initial daw ng pangalan ay “W.”
Isa ito sa naitanong kay Kuya Wil sa naganap na mediacon ng bago niyang game show na “Wilyonaryo” na nagsimula na last week sa official website ng programa.
“Wala akong girlfriend. Kasi kung may girlfriend ako, ipapaalam ko sa iyo. Ite-text agad kita. Ise-send ko sa iyo, naghahalikan pa kaming dalawa.
“Wala akong girlfriend. Wala akong karelasyon. Hindi totoo yan,” ang sagot ng 65-anyos na TV host.
Pagpapatuloy pa niya, “Alam mo ang hirap, e. Pag nag-picture ka sa Facebook, YouTube, pag ginanu’n (inakbayan) mo na yung babae, i-encircle na (sa litrato at video).
“Tapos sasabihin, ‘Eto talaga si Willie, manyak.’ Ang hirap. Kaya pag nagpapa-picture ako lagi akong nakaganyan (mga kamay nasa harapan niya).
“Pero kapag matatanda, lola, (ang inakbayan ko), hindi ako bina-bash. Pero pag bata, magaganda, bina-bash ako. Ang hirap talaga ng social media, e,” aniya pa.
Sumusumpa si Willie na wala rin daw siyang sex life ngayon nang matanong kung kumusta naman ang kalusugan niya ngayon.
“Okay naman ako. Bago ako magsimula, nagpa-general checkup ako. Yun nga lang, ang isang problema ko, patay na siya. Sabay kami ipinanganak, pero una Siyang namatay,” hirit na biro pa ni Willie na ang tinutukoy nga ay ang kanyang sex life.
Samantala, proud na sinabi ni Willie na wala siyang bisyo, “I’m so blessed, alam ng lahat, ng mga kaibigan ko, hindi ako umiinom, never akong nag-drugs sa buhay ko, never akong nag-marijuana.
“Ngayon, kung nalalaman niyo na madalas ako nai-in love, kasi longing for love ka, e. Naghahanap ka ng pagmamahal kaya nangyari yun sa buhay ko,” aniya pa.
Dito na inalala ni Willie ang pagpanaw ng kanyang inang si Myrna Buendia noong April 1, 2025, “Nu’ng namatay last year nanay ko, hanggang namatay siya, inalagaan ko ng pitong taon.
“Na-comatose siya. Ako ang nag-alaga. Binili ko siya ng bahay. Nu’ng namatay siya, yung bahay, yung titulo, binigay ko sa mga kapatid ko sa kanya. Sabi ko, ‘Ibenta niyo.’
“Nabenta yata nila ng P6, tig-P1 million sila. E, mahirap lang buhay nun, e.
“Nu’ng namatay tatay ko sa father side, yung mga kapatid ko, may property yung tatay ko, sabi ko, ‘Wag niyo na sa akin ibigay yan. Ibigay niyo na lang sa mga kapatid ng tatay ko.’ Hindi ako nasisilaw sa pera. Napagdaanan ko lahat yan.”
“Baka sabihin ng iba, ‘Nagpapaawa lang yan.’ Alam ko naman talaga mahirap ang buhay. Mahirap di kasama pamilya mo.
“Never ko nakasama magulang ko sa hapag-kainan. Kaya lang meron mas kawawa sa iyo. Ipinanganak na hindi nakasama ang mga magulang.
“Ako nakasama ko pa sila. Kaya lang, hindi kami buo. Yun ang nararamdaman ko kasi galing ako du’n, e,” saad ni Willie.
The post Willie Revillame umaming wala nang sex life: Patay na siya! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments