Kris Bernal binatikos dahil sa naka-uniform na yaya: Gusto n’yo mag-tangga!?
BINARAG ng ilang netizens ang Kapuso actress na si Kris Bernal dahil sa pagpapasuot ng uniform sa yaya ng kanyang anak kahit daw nasa public places sila.
Samu’t saring comments ang ipinost ng mga social media users nang makita nila ang video ni Kris habang namamasyal kasama ang asawang si Perry Choi at ang kanilang anak kasama ang yaya ng bata na nakauniporme.
May mga bumanat sa aktres dahil dito pero meron din namang nagtanggol sa kanya at sinabing “for security reasons” din daw kung bakit kailangang naka-uniform ang mga yaya kahit nasa labas.
Nagpaliwanag si Kris hinggil dito sa pamamagitan ng pagsagot sa comment ng isa niyang follower.
“The condo where we live strictly requires helpers to be in uniform. Every time we go out, I tell them they can change. But maybe because they don’t mind anymore, they don’t change,” aniya.
Sa isa namang TikTok video, muling nag-explain ang Kapuso actress kung bakit mas gusto ng mga yaya at kasambahay na mag-uniform kapag lumalabas ng kanilang condo.
“‘Bakit naka-uniform mga yaya mo? Dapat pinagbihis mo man lang,'” ang pagbasa ni Kris sa isang comment sa socmed.
Paliwanag ni Kris, “Alam niyo, bago sila pumasok dito, tinatanong namin sila, ‘Gusto ba ng uniform o ayaw mo?’
“Karamihan, sa halos lahat ng naging kasambahay namin, gusto nila may uniform, so binibigyan namin sila ng uniform.
“Ngayon, choice nila yan pag lalabas. Tinatanong din namin sila, ‘Lalabas tayo. Gusto mo bang magpalit?’ Ganu’n. Alam niyo, hindi ko alam bakit ayaw nilang magpalit,” pahayag ng aktres.
Patuloy pa niya, “Puwedeng mag-dress. Puwede silang mag-spaghetti strap, gusto niyo mag-tangga pa sila. Ayaw talaga nilang magpalit.
“So, anong gusto niyo, pilitin ko sila? Yung magmakaawa ako, ‘Sige na, Ate, magpalit ka kasi maba-bash ako, aawayin nila ako. Magpalit ka parang awa mo na, magpalit ka nang casual kasi…’ Alangan namang ganunin ko pa?
“Alangan namang pilitin ko yung tao, e, ayaw nga nila magpalit. At saka para kung mam-bash naman kayo parang ako lang yung kaisa-isa sa mundo na may mga angels o helpers na naka-uniform.
“Ang dami-dami din ng mga artista, mga taong naka-uniform yung kasama. Pero bakit parang galit na galit kayo sa akin? Anong ginawa ko? May naano ba, nasaktan ko ba siya?” aniya pa.
Pagkatapos nito ay tinawag ni Kris ang isa sa kanyang kasambahay na si Ate Tina “Ay naku! Ay, Ate Tina! Ikaw nga mag-explain sa kanila. O, eto si Ate Tina. Siya talaga yung kasama ko dito.
“At kung mapapansin niyo, yung kasama doon sa isa pang video na angel namin, e, naka-casual, kasi nga puwede naman talaga sila magpalit. Anong masasabi mo?” baling ni Kris sa yaya.
Sagot ni Tina: “Ano po, okay lang sa amin. Talagang kami yung may gusto na mag-uniform. Wala nang palit-palit kasi diretso na.
“Ayaw na namin nang more time na magbihis-bihis,” aniya
Singit ni Kris, “Ano, tatamad magbihis. Tsaka ayaw maglaba ng mga ano, kaya sabi na lang, ‘Uniform na lang kami.’
“O tingnan niyo, naka-uniform na naman siya. Naku, magagalit na naman sila sa akin,” hirit pa ni Kris sa haters.
Sey naman ni Tina, “So, okay lang, walang problema.”
Chika naman ni Kris, “Okay lang sa kanila yun. Choice talaga nila yun kaya tahimik na lang tayo. Kayo, kayo ang madudumi talaga, utak, e.”
The post Kris Bernal binatikos dahil sa naka-uniform na yaya: Gusto n’yo mag-tangga!? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments