Xian Gaza binasag nanay ni Ella Cruz: Ini-scam ko raw pamilya nila!

TANGGAP ng Pambansang Marites na si Xian Gaza na tawaging “scammer” pero sumusumpa siya na never siyang naging stalker sa buong buhay niya.
Iyan ang hugot ng kontrobersyal na social media personality nang maglabas siya ng saloobin hinggil s naging tunay na relasyon nila noon nga aktres na si Ella Cruz.
Napa-throwback si Xian sa year 2016 kung saan naging usap-usapan ng mga fans at netizen ang pagiging close nila ni Ella Cruz at ang pagtawag daw sa kanya ng nanay nito na “stalker.”
Sa video na in-upload ni Xian sa kanyang Facebook account, naibahagi niya ang naging pagkakaibigan nila ni Ella noong 2016. Madalas daw silang magkasama noon at sabay lumalafang sa iba’t ibang shopping mall.
Baka Bet Mo: Xian Gaza hindi nagpasindak sa fans ng BINI: Mas sikat pa ko sa 8 yan!
Inamin ni Gaza na na-fall siya kay Ella pero hindi raw naging sila. Hanggang sa hindi na sila nagpansinan noong magpunta sa South Korea ang pamilya ng aktres noong December, 2016 para doon mag-celebrate ng Pasko.
Sabi ni Gaza, talagang nasaktan siya nang mag-post daw ang nanay ni Ella sa Twitter noon na isa siyang stalker.
Nang pumutok ang pangalan niya dahil sa ipinagawa niyang billboard kung saan niyaya niya ng coffee date si Erich Gonzalez, ay kaliwa’t kanan din ang pamba-bash sa kanya kabilang na ang pagtawag sa kanya ng scammer at manloloko.
“Tanggap ko naman yung tawagin akong scammer, kasi I have a past magpakatotoo na tayo, hindi naman ako plastic na tao. Ang hindi ko lang matanggap is nakisabay, nakisawsaw ‘yong nanay ni Ella during that time ‘yong peak na peak na trending ako.
“Trending na trending ako sa buong bansa. Hindi ko matanggap, itong nanay ni Ella, nag-post sa Twitter na ako daw ay isang stalker ng kanyang anak. What? Like after everything I’ve done, tatawagin mo akong stalker,” ang himutok ni Xian.
“Sobra akong nasaktan kasi pinaniwalaan ‘yon ng buong bansa na stalker ako, na ini-scam ko raw ‘yong pamilya nila kahit hindi naman talaga,” sabi pa ng social media personality.
“From there, nagkaroon ako ng hatred o ng galit sa puso ko na pinangako ko at talagang sinumpa ko na one day, kailangang maging sikat ako na celebrity, kailangang pumutok ‘yong pangalan ko, kailangang magkaroon ako ng sarili kong big name in the industry,” ang rebelasyon pa niya.
“Kasi na-realize ko na kapag pala artista ka at mayroon kang sinabing hindi maganda sa isang tao, kahit hindi ito totoo, dahil artista ka o nanay ka ng isang artista, paniniwalaan ito ng lahat.
“At ‘yon ang naging ugat kung bakit ako naging si Xian Gaza. Lahat ng ito, my name, Xian Gaza and all, pagiging pambansang marites, kung sinoman ‘yong pagkakakilala n’yo sa akin ngayon, ang reason behind this talaga ay si Ella Cruz.
“‘Yong motivation, or hatred, or ‘yong revenge ay doon sa mother niya,” sabi pa niya.
Pero sa huli, ipinagdiinan ni Xian na totoong mabait si Ella, pati na ang tatay at mga kapatid nito.
Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag o reaksyon ni Ella pati na ng kanyang nanay hinggil sa mga rebelasyon ni Xian Gaza.
The post Xian Gaza binasag nanay ni Ella Cruz: Ini-scam ko raw pamilya nila! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments